Kabanata 22

94.9K 2.1K 511
                                    

Kabanata 22:
Wife

"Can we talk Ely?" sumeryoso na ang mga mata ni Trent ngayon pero bahagya pa rin siyang hindi nakakabawi sa rebelasyong narinig. I swallowed hard as Karson brows furrowed and look at me.

Tumango ako kay Trent at nakita kong nakahinga siya ng maluwag.

"S-Sige." sagot ko at nauna siyang tumalikod sa akin at sumunod ako patungo sa likod ng sasakyan ni Karson.

"Siya ang ama ni Lyle?" agad niyang tanong sa akin nang magharap kami at tumango ako kahit nanginginig pa ang labi ko. Napasinghap siya na para bang hindi pa narinig ang sagot mula mismo kay Karson kanina. Ngayong kinompirma ay para bang hindi niya magawang maniwala. Napahilamos siya sa mukha. I don't know why Trent look suddenly this frustrated.

"Ilang taon siyang nawala, Ely. Tapos tatanggapin mo agad siya at hahayaan kay Karlaisle ng ganoong kadali?" sabi ni Trent. Mukhang galit pa at saglit na kumunot ang noo ko. Huminga ako ng malalim. Alam kong concern lang siya sa amin. After all he witness my hardship when I'm alone in taking care of Lyle. 

"Hindi ko naman siya tinanggap agad agad sa amin Trent. Actually tumakbo pa ako palayo sa kanya dahil natatakot ako na baka masaktan si Lyle kapag hindi siya magawang matanggap ng Papa niya. But I was wrong Trent and Lyle's wanting his father so bad for years. Ayokong madaliin ang lahat pero ayokong ipagkait sa anak ko kung ano ang karapatan niya."

"Naiintindihan kong kailangan ni Lyle ng ama. Pero may karapatan pa ba iyang lalaking iyan pagkatapos ng lahat? Anim na taon na wala sa tabi mo tapos narito na parang walang nangyari?" huminga ako sa mga hinaing ni Trent.

"He didn't know about Lyle. I didn't tell him. He's clueless about his son." sagot ko at nakita kong umawang ang labi niya. Bakas na bakas ang gulat sa siniwalat ko.

"H-Ha?"

"For the six years I'm alone, he's not with us because he didn't even know he has already a son."

"H-Hindi niya alam?" suminghap siya. Namimilog ang mga mata at tumango muli ako.

"May kasalanan din ako sa nangyari na hindi ko sinabi sa kanya. Kaya iyong apat na taon na mag-isa ako wala akong sinisising kahit sino. Iyon ang kagustuhan ko at desisyon ko. Kaya ngayon lang sila nagkasamang mag-ama." sabi ko at nalaglag muli ang panga niya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at umayos ng tayo.

Mukhang marami siyang gustong sabihin sa akin noong una pero nang masabi kong hindi alam ni Karson na may anak siya parang naglaho lahat ng gustong sabihin ni Trent at ngayon ay nangangapa siya.

"Kung ganoon sasama k-ka sa kanya para kay Lyle?" bahagya akong nagulat sa tanong ni Trent. May kung anong dumaan sa mga mata niyang pamilyar na pamilyar na emosyon sa akin.

"A-Anong ibig sabihin mong sasama? Gusto niyang dito muna kasama kami ni Lyle at wala akong ideya kung kailan siya babalik ng Maynila."

"I don't want you to get me wrong, Ely but that man is rich. He has power, authority, and connections because of his money. What if he get Lyle from you. Wala kang laban sa korte sa pera at yaman niya." naisip rin ito ni Henessy para sa akin at noong marinig ko iyon ay aaminin kong natakot ako kaya tumakbo ako papalayo.

Pero pagkatapos ng lahat ng nakita ko at narinig ang sinserong salita na hindi gagawin iyon ni Karson, and hearing this statement again from Trent offended me. Wala pa akong lubos na tiwala kay Karson pero sigurado akong hindi niya kukuhanin sa akin ang anak ko.

"Hindi siya ganoon, Trent. I also thought about it and I feel bad for judging him. Hindi niya aagawin sa akin si Lyle. Hindi rin naman ako iiwan ng anak ko."

One Night Misery (Misery Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon