Kabanata 3:
PregnantPatuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko kahit papasok na ako sa condo ni Henessy. Hindi ko magawang pigilan ang pagpatak noon lalo na dahil sa dami ng tumatakbo sa isip ko. Wala pa namang kompirmasyon sa nararamdaman ko pero alam ko na agad ang resulta.
"Shit, anong nangyari, Elysha!" nag-aalalang sigaw ni Henessy nang madatnang umiiyak ako sa pagpasok sa condo. Agad niya akong nilapitan para daluhan. Hinawakan niya ang balikat ko. Hindi ko magawang sumagot, dahil hindi ko alam kung paano sasabihin o sisimulan.
Parang tinakasan na rin ako ng boses ko sa sobra-sobrang emosyon na nararamdaman ngayon. Halo halo na, na hindi ko na alam ang gagawin at unang iisipin.
"Bakit ka umiiyak?!" mas nag-aalala niyang tanong at sinubukang punasan ang mga tumutulong luha sa aking pisngi. Her question only triggered me to cry more. Kumawala ang mga hikbi sa aking labi.
Umawang ang labi niya at namilog ang mga mata.
"H-Henessy." nanginginig kong tawag sa basag na boses. Mas lalong nabakasan ng pag-aalala ang kanyang mga mata.
"Anong nangyari Elysha? May nangyari bang masama sayo sa trabaho? Natanggal ka ba? Napagalitan?" tanong niya at tumitig lang ako sa kanya ng diretso kahit hindi ko na siya malinaw na makita dahil sa paglabo ng paningin dahil sa luha.
"May p-pagdududa ka na sa mga inaakto ko at nararanasan nitong mga nakaraan, hindi ba?" I ask her and she look stunned on what I said. Napatulala siya sa akin at tumingin diretso sa mga mata ko.
"A-Anong ibig mong sabihin?" alam kong nitong mga nakaraang araw pa lang na nagsusuka ako at nahihilo habang nasa condo niya may naiisip na si Henessy.
Kilala ko siya at ang mga paraan kung paano siya tumingin sa akin. Kabisado na namin ang isa't-isa magmula pa noon. Kakaibang kilos at tingin ay nagkakaunawaan kaming pareho. Alam kong may tumatakbo na sa isip niya noon, pero hindi niya binabanggit sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero paniguradong hinihintay lang niya ako na umpisahan ang usapan tungkol rito.
It's almost a month and a half after that night and I'm not naive about the symptoms I'm experiencing.
Nakatingin sa akin si Henessy at sa nanginginig kong kamay ay nilabas ko sa sling bag na dala ang mga binili kong dalawang pregnancy test kit. Hindi ko pa ito nagagamit dahil hindi pa ako handang subukan ito.
"I k-know you're thinking that I'm pregnant, Henessy." tumulo ang mga luha ko at napasinghap siya habang nakatingin sa hawak kong pregnancy test kit. Umawang ang labi niya.
"E-Elysha..." nanginig ang tinig niya.
"I-Iyon din ang iniisip ko nitong mga nakaraan. Nagpanggap pa akong wala lang iyon at pilit na inaalis sa isip ang posibilidad non. H-Hindi ko alam na posible pala 'tong mangyari." umiiyak kong saad. She hold my shoulder.
"What really happened that night, Elsyha?" tanong niya at namumula na rin ang mga mata ngayon. Humikbi ako sa tanong niyang iyon. Her eyes softened.
"I'll tell you but I need to know the result f-first. S-Samahan mo ko, Henessy. Kinakabahan ako." mabilis siyang tumango at marahan na kinuha sa akin ang sling bag at pregnancy test kit. Iginiya niya ako patungo sa restroom dahil hindi ako makahakbang sa panghihina. Alam kong naapektuhan na rin siya ngayon sa emosyong nararamdaman ko.
"Totoong nag-iiisip na ako na posibleng buntis ka dahil lagi kang nahihilo at nagsusuka tuwing umaga. Parehas tayong nag-aaral rin ng nursing kaya nagduda na ako! Hindi lang kita tinanong dahil gusto kong ikaw ang magsimula." aniya at binuksan ang maliit na box ng pregnancy test at ibinigay sa akin ang dalawa. Tama nga ang hinala ko.
BINABASA MO ANG
One Night Misery (Misery Series #3)
Fiksi UmumElysha Yvonhale Vicencio never experienced luck in her life. Hindi niya kailanman nakilala ang ama. Nawala sa kanya ang ina sa murang edad. Naghirap at inalipusta sa puder ng kanyang Auntie. She had a misfortune since she was just little. She even w...