Kabanata 38

73.6K 1.4K 74
                                    

Kabanata 38:
Selos

Huminga ako ng napakalalim habang imaayos ng make up artist ang eye shadow ko. Nakatitig ako sa repleksiyon ko sa salamin. I don't know why I'm nervous. In my whole life, I never thought this will happened once in my life.

Siguro ang nagpapakaba sa akin ngayon ay ang ideya na haharap ako sa mga mararangya at mayamang tao bilang anak ng isa rin sa kanila. Kahit na nakilala ko na ngayon si Papa at ganoon ang pamumuhay niya, pakiramdam ko pa rin ay malayo ang estado ko sa kanila. Malayo pa rin ako sa kinatatayuan nila.

Naghangad ako ng isang marangyang buhay pero kasama roon ay ang pagsusumikap ko para maabot iyon. Ngayon nasa proseso pa lang ako noon. Hindi naman ako umaasa sa pera ni Papa. Iniisip ko nga na pagkatapos kong grumaduate ay mag-tratrabaho pa rin ako para kumita. Mag-iipon ako para sa pag-aaral ko sa pagdodoktor.

Hindi ko pa nasasabi ito kay Karson. Hindi ko alam kung papayagan niya pa ba akong mag-aral. Alam kong susuportahan niya ako sa lahat ng gusto ko pero pakiramdam ko hindi siya mapapakali kapag nalalayo sa akin. Nagpatuloy ang pag-iisip ko hanggang sa matapos ang make-up artist.

She smiled at me and I smiled back. I stated at my reflection and my mouth parted a bit. Sanay akong maglagay ng make up pero hindi ganoong kabihasa at galing katulad nito. Simple lang naman kasi ang ginagawa ko at hindi na sumubok pang mas maraming malaman sa iba't-ibang paraan ng paglalagay noon.

My brows were shape nicely while my smokey eyes make my eyes look alive and seducing. The blush and contour makes my cheek bones pop. The red lips in my lips makes me look intimidating. Ibang iba ang itsura ko ngayon sa nakasanayan ko. I look like those intimidating rich persons outside. Napanguso ako. Hindi ko alam kung gusto ko bang maging kamukha sila.

Ang hairstylist ay plinantsa ang may katamtamang haba kong buhok at hinayaan lang iyon nakabagsak. Sinuklay niya ng maayos. Nang matapos lahat ng pag-aayos sa akin ay iniwan din nila akong mag-isa. I stared at the diamond in the ring I'm wearing. Despite the jewelries I'm wearing now, this is still my favorite and the most valuable thing at all.

Nahinto ang paninitig ko sa singsing ng bumukas ang pinto at niluwa noon si Henessy. Agad na bumagsak ang tingin niya sa akin at mabilis siyang napangiti. She whistled and I frown.

"Mukha kang CEO na magsusungit ah!" aniya habang sinusuri ang damit ko. Napailing naman ako at bahagyang tumawa sa sinabi niya.

"And you look like a strict supervisor!"  bawi ko at natawa kaming dalawa. I'm wearing a very formal attire. A bateau top with a cardigan and a peplum skirt partnered with a black pump.

"Anong nararamdaman mo?" tanong niya nang tumabi sa akin at hawakan ang balikat ko. Napahinga naman ako ng malalim sa naging tanong niya.

"Kinakabahan." kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Normal lang 'yan pero dapat mas lamang ang pananabik. Wala kang dapat ikabahala kasi narito ang Papa mo, si Karson, si Lyle, ako at si Philip. Maraming susuporta sayo."

"Hindi ko lang maiwasan Henessy. Natatakot pa rin ako hanggang ngayon sa mga ganoong tao. Pakiramdam ko kahit na anak ako ni Papa ay patuloy pa rin nila akong huhugsahan." sabi ko at seryosong tumitig sa akin si Henessy.

Hindi ko masiyadong kinakabahala ang sasabihin ng ibang tao dahil ang tanging inaalala ko ay si Karson at Lyle. Pero hindi ko maiwasang mag-alala para kay Papa. Baka mabigo ko siya na pumasok sa mundong naksanayan niya. May parteng nag-alalinlangan sa akin.

"Hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo sa mundo nila Elysha. Huwag mong alalahanin ang mga taong ayaw sayo, ang isipin mo ay ang tanggap ka, at sila Karson at ang Papa mo 'yon. You don't need to force yourself for their acceptance, they are not worth it." aniya at kahit papaano ay nabawasan ang kabang nararamdaman ko at tumango ako sa kanya.

One Night Misery (Misery Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon