chapter2: Encounter

4 1 0
                                    

Chelsei

Ng makabalik ako sa lugar kung san ko naiwan yong mga projects ko ay laking pasasalamat ko na ayos pa naman ang mga ito... Pano na lang kaya kapag nasira ito... Patay na ako, bukas pa naman ang final na pasahan nito...

Nag aaral ako sa  Yvone de Acosta's Academy bilang graduating students... Sa huling taon ko sa secondary highschool ay pinagtuonan ko na ng pansin ang pag aaral... Lalot pa't ayukong masayang ang pinaghirapan ko makapag aral lang sa sarili ko pagsisikap. Kailangan kong ipakita sa pamilya ko na kaya kung tumayo sa sarili kong mga paa at kaya kong makaabot ng medalya ng wala sila...

Ng makarating ako sa boarding na inuopahan ko ay agad akong naghanda para sa trabaho,, may part time job akong gabi gabing kailangan pagsikapan para mairaos ko ang pag aaral,,, magdadalawang taon na simula ng mahiwalay ako sa parents ko at namuhay mag isa sa patagong lugar na ito..

Kusa akong umalis sa bahay dahil araw araw nilang pinagmumukha na wala akong silbi, na puro ako barkada at walang pangarap sa buhay,, aminado naman ako sa mga pagkakamali ko pero kung ituring nila ako ay parang labas sa pamilya.

Isasara ko na sana ang medyo kalakihang binatana na syang nagbibigay ng liwanag sa kwarto ko ng may natanaw akong lalaki sa kabilang bahay na nakatitig sa akin na agad naman nyang pagsara ng bintana nang mahuli ko sya.

May nakatira na pala jan sa kabila? Mula nong nangupahan ako dito ay wala pang nakatira jan... tanging nagmamay ari lang ang nagbabantay jan... Napabuntong hininga na lang ako at kinapa na ang cellphone at bag ko na syang pinaglagyan ko ng damit pampalit.

Agad kung tinahak ang daan papunta sa Marsella's MiniMall, isa itong shop na kung saan may ibat ibang products, malawak siya at may apat na room na nagliliwanagan dahil sa puting ilaw at malamig din dahil sa aircon,may MiniJewelry shop, MiniSuit store, MiniShoe store, Minigrocery,Minidrugstore at iba pa...Pagkalabas ng iskinita mula sa boarding ko ay syang highway at sa kabilang highway ay matatanaw na agad ang MiniMall na syang pinapasokan ko.

Gabi ang shift ko para mabalance ko ang time sa school at sa pagtatrabaho... Mula alas sais ng hapon hanggang alas dose ng gabi...malayo pa ay tanaw ko na si ate Seraide na hinihintay na lang ang pagdating ko kasama si Catherine..

Si catherine ay classmate ko din at kagaya ko ay nagshishift sa parehong oras ng sakin, samantalang si ate Ide(Seraide)  naman ay syang ka shift ko na may sched. na 10 am to 6 pm.

" Oh Ande!  Sakto ang dating mo... Paalis pa lang ako,,, haha wala dito si Magle eh"bungad sakin ni ate Ide... Ande ang bansag nila sakin mula sa pangalan kong Andrea... Samantalang ang Magle naman ay nagmula sa Maleficent...di nya totoong pangalan, ang amo namin na may ari ng MiniMall,si Marsella Perez, tita siya ni ate Ide kaya madali lang samin ni cat ang pumasok dito ,sadyang Magle ang bansag namin sa kanya dahil sa sobrang higpit niya.

"hmmn.... San daw ang punta? "tuloyan na akong tumuloy sa minilocker ko at pumunta sa banyo para magbihis...

Ng matapos ako ay agad din akong lumapit sa kanila "Family dinner girl.. Kilala mo na yon!!  Haha"ani ate Ide na isinukbit na ang bag sa balikat matapos mag ayos. "Sege na Cat, Ande... una na ako,,, may date pa ako eh jeje... Ingat kayo dito ah... Ilock nyo mabuti mamaya pag alis nyo" tuloy nya bago sya makalabas,, tinanguan ko naman sya.

Lumapit naman samin si cat "ikaw ang mag ingat ate Ide... Wala ng ganyang kakapal ng mukha at haba ng buhok sa mundo no! Haha at kailan ka naman nagkajowa? "pinagtawanan naman siya ni cat na syang pag irap ni ate Ide sa kanya "oh sya babye na... Mabunggo ka sana jeje joke" at nagpeace sign pa siya na ikina inis naman ng isa at maarte pang hinawi ang straight at katamtamang haba ng buhok nito patalikod.

Moonlight Love Reflection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon