Chelsei
"ba't di mo puntahan? Malay mo naman diba?" napabuntong hininga akong nilipat sa kabilang tenga ang cellphone. Andito ako ngayon sa rooftop ng ospital at tinatanaw ang mga sasakyan sa baba. Kinwento ko kay cat ang nanyari kay christian at ng magkita kami, maging siya ay nabigla at hindi rin makapaniwala.
"mukhang masungit ang mommy nya eh, hindi daw talaga lumalapit sa mga babae si christian"hindi ko alam kung malulungkot o matutuwa ako sa katotohanang iyon. Pero gusto ko paring malaman kung bakit nangyari yon sa kanya hindi ko lang alam kung pano?
"as in wow! Pero tingnan mo naman, kung gising na sya, edi sya na magsabi na magkakilala kayo at close pa diba?"
That's not easy...
"mukha syang galit eh"napangiwi ako sa sariling pagkadismaya.
"bakit naman sya magagalit? "
"hindi ko alam, pero nakainom kasi ako kagabi tyaka hindi naman ganun karami"
"eh kaya naman pala eh, try mo parin friend... Malay mo naman, pero sege na muna pala, malapit na si Magle... Ikamusta mo na lang ako kanila tito, tita huh? "
"sege, ingat ka"
"bye"
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko naisipang bumaba. Katulad ng sabi ni ate charm ay hindi agad maiiuwi si dad dahil may monitoring pa sa posibleng pag ataki ulit ng AHD kaya hanggat hindi pa sigurado na okay sya ay hindi muna ako aalis.
Ng pasakay na ako sa elevator ay naalala ko ang sinabi ni cat, eh baka kasi mapahiya na naman ko don eh! Nagdadalawang isip pa ako kung pupuntahan ko ba sya oh ano. Natatakot kasi ako sa mommy nya lalo na kay christian mismo dahil ni hindi ko man lang alam kung ano ang ikinagagalit nya.
Sa huli ay bumaba lang ako hanggang thirdfloor at tinungo ang kwarto ni christian. Ng makarating ako don ay wala ng nakaupo sa bench kung saan si kuya brint kanina. Bahagya pa akong nagulat ng nakaawang ng bahagya ang pinto kaya rinig ang boses ng taong nasa loob.
"eh pano nga kita susuboan kung 1 meter ang layo ko sayo? Duh.... "
Kumunot ang noo ko ng marinig ang boses ni lacely sa loob ng room ni christian, akala ko ba hindi sya lumalapit sa mga babae? At ano naman ang ginagawa dito ni lacely?
Sa isiping iyon ay bigla akong nainis, sa pagkakaalam ko mommy nya na mismo nagsabi na hindi sya lumalapit sa mga babae pero bakit nandito si lacely."just keep your distance"
Kumabog ang dibdib ko ng marinig ang malamig na boses na yon ni christian, hindi nalalayo sa pakikitungo nya sa mommy nya kaninang magising sya. Napabuntong hininga pa ako bago ko hinawakan ang doorknob.
"andrea? "
Natigilan ako ng marinig ang boses ni lielany sa likod ko kaya mabilis akong napalingon dito. Malaki ang ngiti nyang bumungad sa'kin kahit nakakunot ang noo ng maamo nyang mukha. Tuluyan na akong humarap sa kanya at nginitian rin sya.
Anong ginagawa ng kambal dito?
" long time no see andrea! Are you here to visit bryant? "lumapit din sya sakin at talagang kuminang ang mga mata nya sa pagkikita namin. Tinaguan ko lang sya bilang tugon kahit nagtataka parin ako kung bakit sila nandito.
"anong ginagawa nyo dito? "halos parusahan ko ang sarili ng marealize ang tinanong ko. Baka nakainsulto sa kaya iyon.
Nagkibit balikat naman sya kaya nakahinga ako ng maluwag "visiting Vicxor, alam mo naman yon.... Puro kalokohan na lang inatupag"sabi nito na nakatingin na sa katapat na room ni christian.

BINABASA MO ANG
Moonlight Love Reflection
Mystery / ThrillerA girl meet Mr. Dj at the bar, Mr. Dj na allergic sa babae, but then at the end of the time, hindi lang pala sya knight with the shining handkerchief and headphone. Let see kung sino nga ba si Christian Bryant Roswell kay Chelsei Andrea Delaney. Wh...