chapter3: Delaney Siblings

1 1 0
                                    

Chelsei

"anong nangyari jan? " sabay kaming napalingon ni christian ng may nagsalita sa harap namin.

Si Manong Secu.?

Kunot nuong bumaling sakin si christian "Sabi mo walang secu.? "ani nito na tinabingi pa ang ulo na animong binabasa ako.

Taka naman akong bumaling sa secu. at pinagbalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa "w-wala naman talaga kanina.... "alinlangan kong sabi...

Wala akong maalalang may secu.  kanina,,, basta naisipan ko na lang na yon ang panakot ko.

Iiling iling naman siyang bumaling sa secu. "napagtripan lang po, kuya"ani nito kay kuya?  - manong secu.

Napagtripan?  Napagtripan lang yong ganun? Kaya pala lagi kang hinahabol ah

Maya maya pa'y lumapit si manong sa'min "hayy kayo talagang kabataan, puro kalokohan,, "iiling iling din nitong sabi saka kinuha ang braso ni christian sa akin para sya ang umalalay dito...

Ganun nalang yon? Hindi man lang nila kakausapin yong mga loko lokong estudyante na yon? Tss...

Sumunod naman ako sa kanila " sege na iha, pumasok ka na, ako na ang maghahatid  dito sa boyfriend mo sa clinic" baling sakin ni manong secu.  na pinanlakihan ko naman ng mata at bumaling kay christian na nakataas ang kilay bago ngumisi. Mood shift.

"a-ah...h-hin-"

"sege na babe, pumasok ka na...susunod na lang ako"nakangiting putol sakin ni christian na mas pinanlakihan ko pa lalo ng mata sabay lunok ng pagdiinan niya ang salitang 'babe'.

Nagsimula na silang mauna sakin "Pero-... "

"bye babe"mapang asar pa nitong pagdidiin sa 'babe' sabay kaway... Naiwan naman akong nakanganga habang tinatanaw silang papalayo at ganun na lang ang pag iinit ng pisnge na sa tingin koy namumula na.

Napakamot na lang ako sa ulo ko at muling tinungo ang YA.A papasok na gulong gulo Ano bang trip non? Tss tss..

Gaya ng sabi ko ay huling pasahan na ng projects and activities ngayong araw para sa papalapit na graduation, kaya wala na kaming ginawa kundi checking of notes, remedial at ang compilation ng lahat ng written works..

"Psst ande... Bakit late ka dumating kanina? "bulong sakin ni cat habang abala ako sa pag taly ng mga exams ng buong klase.. Madalas ako ang atasan ng Adviser namin sa mga gantong bagay bilang pangalawa sa nangunguna sa klase samantalang ang nangunguna naman na si shiho ay naatasan sa paglelead saming lahat sa mga activities..

Sa aming dalawa ako ang muse kaya mas madalas akong icontest kapag Miss Intramurals, Miss Nutrition Months, at iba pa kung saan madalas kung nakakapartner si christian gaya ng sabi ko noon sa inyo.

Madalas ko din makuha ang Face of the Night sa mga Aquintance Party kahit noong hindi pa ako umalis sa bahay, ganun din sa JS Prom at Senior Highschool night pero pagdating sa mga quiz bee ay salitan o colab kami ni shiho...

Aminado naman ako na mas matalino sa akin si shiho, hindi naman ako ng aral para makipagcompet, gusto ko lang tutukan ang pag aaral ko dahil ako lang naman ang gagamit nito balang araw.

Sumulyap ako sandali kay cat "n-nalate ako nagising kanina"bago ko muling ibaling ang paningin sa ginagawa.

Kumunot naman ang noo nya "dati ka naman ng nalalate magising ah? "lumapit pa ito sakin..

Moonlight Love Reflection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon