chapter5: Sweet and Cheesy Italian Corn

1 1 0
                                    

Chelsei

Agad naman akong napamulat sa sinabi ni cat "De Guzman? "gulat kong tanong sa kanya.. Tinaasan nya naman ako ng kilay bago tumanggo.

Bakit pamilyar sakin ang lastname niya?
De Guzman? Parang Narinig ko na dati yon ah?

"akala ko ba wala kang pakialam? Ande ang akin ay ak-"agad ko syang sininyasan na tumahimik ng tingnan kami ng masama ni Magle.... Kumunot naman ang noo ko... Mas lalo lang tuloy nadagdagan ang iniisip ko tss.... Tsss...

Matapos ang shift namin ay maaga kaming umuwi ni cat..... Pagkarating ko sa boarding ay agad na din akong naligo para maghanda na sa pagtulog.

Ken Parker De Guzman? Hindi ako pwedeng magkamali, narinig ko na iyon dati... Sadyang hindi lang malinawan sa isip ko kung saan?  Kailan?  At bakit?

"ang sabi ko, kapag nakita mo ako at hindi mo talaga ako sinusundan, sinabi kong ikaw na lang ang lumayo hindi ba? "

" pwes! hindi ka nakakatulong! Pinapalala mo lang lalo ang sitwasyon eh! "

Tumitig ako sa kesame, seryuso ba talaga si christian? Angsakit naman nyang magsalita!  Allergic ba sya sa tao at bakit ayaw nya akong palapitin? Ang yabang naman nya kung nag eenarte lang sya!
Hindi ko namalayan na sa pag iisip kong yon ay nakatulugan ko na.

Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa school dahil ito ang final na pag aayos sa quadrangle para bukas sa graduation...Ng makarating ako sa campus ay wala ng gaanong estudyante ang pakalat kalat... Tanging mga kagaya kong outstanding at officers na mga seniors ang nandidito.

Pagkapasok ko sa quadrangle ay maaliwalas na ang pintura ng stage....isang plane light green ang kulay nito hindi gaya kahapon ng umaga, malinis na din ang sahig na may big size dark green carpet na ang nakalatag doon habang mahabang red carpet naman sa pagitan ng mga nakaayos na silya.

Sa magkabilang gilid ng hagdan ay maroong dalawang malalaking halaman na kumikinang ang mamula mulang dark green na dahon nito.. Mabilis akong nagtungo sa backstage at tumambad sakin ang mga kagaya kong inatasang mag ayos ng stage...

Ng matapos naming mabuo ang mga dekorasyon ay agad namin itong pinagtulongang ilagay sa harapan ng stage..

Sa gilid ng stage pagkababa sa kanang hagdan ay tila may photo booth kaming itinayo....dalawang fake coconut tree ang pinalibutan ng kulay green na balloons habang sinisingitan ng mga red creep paper na kurteng bulaklak at sa taas nito ay nakakorbang kahoy ang nandon na pinalibutan din ng red flower na gawa naman sa foil... Habang nakalugay ang pinaghalong kulay na green at red na ginunting at pahabang creep paper sa loob ng photo booth na yon.

Ng matapos kung isalambitin ang huling creep paper sa photo booth ay napabaling naman ako sa mga estudyanteng inaayusan ang background ng stage.

Biglang nahagip ng mata ko si christian na kakatapos ayusin ang dalawang naglalakihang pulang kurtina sa magkabilang gilid ng stage. Bahagya din siyang sumulyap sa gawi ko kaya nagtama ang paningin namin..

Natikom niya ang bibig nya matapos bumuntong hininga,  iniwas ko naman ang paningin ko at pinasandahan ng tingin ang photo booth na ginawa namin..

Color green at red ang makikita sa quadrangle bilang theme color of the year.. Maging ang silya ay may color arrangement din. Pinasandahan ko ng tingin ang mga nag gagadahang bulalak sa harap ng stage at ang dalawang halaman kanina sa gilid ay kumikinang ito ng pulang foil.

Tanghali na ng matapos ang lahat sa ginagawa ng nagpatapag naman ang SSG president ng seniors para sa kunting salo salo... Hindi na sana ako mag aabalang makisalo pa pero mapilit si shiho kaya nandito kami ngayon sa cateen.. Pinagsasama ang malalaking table para makagawa ng mahabang table..

Moonlight Love Reflection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon