chapter15: Birthday party 2

0 0 0
                                    

Chelsei

Bigla ay kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan "bakit hindi ang secretary ang umasikaso non ate charm? "halata na ang pagtataka sa tono ko at saglit pa syang napaisip.

"hindi lang iisa ang kailangang asikasuhin ng sec. chelz, dumadami ang stockholder out of the country, kaya n-napilitan ng lumabas ng b-bansa si mom and d-dad"pilit na ngiti nitong sabi.

May kakaiba talaga,

Tinitigan ko si ate charm ng may maalala pa "how 'bout De Guzman?"muling tanong ko at nakakagulat talaga ang pagkawala ng ngiti niya at bahagyang sinilip si Ken.

"a-ahh yeah, business partner chelz, did you know Ken? "ngumiti na itong tanong sakin.

Business partner? Sinasabi ko na nga ba at pamilyar ang last name niya, pero panong naging kapitbahay ko pa sya.

Tinaggoan ko lang siya pero hindi nawala ang kunot ng noo ko "kapit bahay ko"ngumiti lang ito sakin at nakakapanibagong hindi siya nagulat.

"sege chelz, magsisimula na ang party, enjoy lang kayo ah? "sabi nito na inalalayan pa ako pabalik.

Napailing na lang akong bumaling sa table namin, mula dito ay tanaw ang table sa harap ng stage na pinaglagyan ng mga gift kabilang na ang amin. Gaya ng sabi ni ate charm ay nagsimula na syang magsalita sa harapan dahilan para makuha nito ang attention ng lahat.

Matapos siyang magsalita na baghagya pang binanggit ang pangalan ko ay nagsimula ng kumain, uminom, magkwentohan at sumayaw ang mga bisita ni ate charm, ganun din kami sa table namin. Iginala ko ang paningin ko at may hindi inaasahang tao ang nahagip ng mata ko.

Christian?

Hindi malabong niyaya din ito ng kuya nya, tss napagkamalan pa nga akong girlfriend eh..... Mag isa itong nakaupo tatlong table ang layo samin. Isang light blueng long sleeve ang suot nito na gaya ng dati ay nakalihis hanggang siko. Nakapatong ang mga siko nito sa lamesa at sumisimsim ng alak? Psshhh..

Hindi ko namalayan ang pag lapit ni Ken "oh hi, handsome"ngiting bati ni chester.

Tss... Hindi ako nainform na close ang dalawang to...

Tumanggo lang si ken at dumeretso sa pagitan namin ni cat "do you want to dance? "bahagya itong humarap sakin.

Inirapan ko sya at tumingin sa kawalan "tinatamad ako" walang gana kong sagot "isa pa, galit ako sayo... Hindi ka nagpakilala.. Yang katabi mo ang isayaw mo"bahagya kong nilingon si cat na panay ayos sa hibla ng buhok papunta sa likod ng tenga.

Inismiran lang ako ni ken at tumalikod sabay tingin ng walang pakialam na naman kay cat. "let's dance"ani nito kay cat na bahagya pang nanlaki ang mga matang tumingin kay ken.

Hindi sumagot si cat at inabot na lang ang kamay sa nakalahad na kamay ni ken bago sila nagtungo sa dance floor sa harap ng pool. May nagyaya na din kay ate Ide na sumayaw... Classmate siguro ni ate charm. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam si chester dahil gusto nya raw isayaw si ate charm..

Naiwan akong sumisimsim ng juice, kung bulakbol pa ako ngayon siguro ay nakikipaglaklakan na ako sa mga pinsan kong gaya ko ay bulakbol din. May ilan din akong mga pinsan na lumapit sakin at sinubukang yayain akong sumayaw pero hindi na sila nagtaka ng hindi ako pumayag. Noon pa man ay alam na nilang kapag tinutopak ako ay wala akong ganang sumayaw.

Hindi gaya ng iba ay lumapit at umupo lang si kuya dexter sa tabi ko at iiling iling akong hinarap "oh? Anong ganap mo? "ngisi nitong tanong inirapan ko lang siya."abay mas masungit ka na ata ngayon simula ng umalis ka dito ano oh? "sinipa pa nito ang kinauupoan ko.

Moonlight Love Reflection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon