chapter12:It's You

1 0 0
                                    

Chelsei

"jero! "hindi na ako nagdalawang isip na tawagin ito, sigurado ako concern parin naman sya sakin. Agad itong napalingon sa gawi ko at nagulat sa nakita.

"chelsei? Anong ginagawa mo jan? "tiningnan niya ang mga nakapalibot sakin at tiningnan naman sya ng mga ito ng masama.

"hon lets go! "

"please jero help me"usal ko na halos gumaralgal na ang boses ko sa pagmamakaawa pero napalunok lang ito at animoy walang magawa "pleaseee.... "napaluhod na ako sa sahig at ramdam ko ang sakit non sa tuhod ko.

"subukan mo, bata... Binabalaan kita"pananakot ni jasper....

"hon, lets go... They look creepy"

Tumingin siya saglit sa babaeng kasama nya bago tumingin sa mga nakapalibot sakin "I-Im sorry chelz... I can't help you"baling nito sakin na alam kong labag din yon sa kanya... Wala syang magawa.

"please jero, kahit ngayon lang please... "hindi ko na napigil ang luha ko ng umiiling ito at nagsimulang lumayo "No! "tuluyan na akong napahagugol sa kawalang pag asa.

Sana pala nakinig na lang ako sayo christian!

"ha! Ms. Delaney, mukhang wala ng may gustong tumulong sayo...,madali lang naman akong kausap eh,sumunod ka lang sa sasabihin ko. "humalakhak na naman siya at hinablot niya ang braso ko at itinayo.

"please, parang awa nyo na, itigil nyo na to"pagmamaka awa ko habang humahagolgol parin,ang sakit sakit na ng dibdib ko, nahihirapan akong huminga at hindi alam ang gagawin. Humalakhak naman sila ng sabay sabay.

"ang kinis naman nito Ms. Delaney haahah"napapikit ako ng haplosin nito ang braso ko na nagpakilabot sakin ng todo.

Please!!! Someone can help me please!!!

"please, parang awa nyo na"napahagolgol na ako ng ilihis nito ang buhok ko sa harap papunta sa likod ng tenga ko. "tigilan nyo na please!!! "pinilit kong umiwas pero malakas sila kesa sakin.

Napasinghap ako ng makaramdam ako ng hininga sa bandang leeg ko "no! "naiisigaw ko na lang ng makitang nasa leeg ko na si jasper.

BOggss!!!!

Pakk!!!

Pakk!!

Agad akong nabitawan ni jasper ng tumilapon ito sa sahig at galit na pinagsasapak ni christian, tuluyan na akong napaupo at humagolgol. Bakit ang tagal mo? Akala ko hindi ka na darating!?

Ng mapuruhan niya si jasper ay agad namang sumugod ang dalawa sa kanya pero hindi sila umubra kay christian,, galit na galit ito na halos mamula na at salubong na salubong ang kilay...pinagtatadyakan niya yong matangkad at walang awang pinagsasapak sa mukha, muli niyang hinarap ang isa pa at sinalubong ito ng suntok sa sikmura dahilan para halos sumuka na ito ng dugo at nagpagulong gulong sa sahig,

Muli niyang binalikan si jasper at itinayo "christian, please enough! "pagpipigil ko sa kanya pero hindi nya ako narinig at malakas na sinapak si jasper.

"wag na wag mo syang gagalawin jasper, naiintindihan mo!?, wag na wag mong susubukan dahil hindi ako magdadalawang isip na basagin yang bungo mo! "galit na galit nitong sigaw sa mukha ni jasper saka nya ito pabagsak na binitawan ng biglang dumating ang dalawang secu.. Agad siyang bumaling sakin bago mabilis na lumapit na hinila ako patayo at niyakap ako ng mahigpit, mahigpit na mahigpit.

"I-I'm sorry...."gumaralgal ang boses niya ng sabihin niya yon na lalo namang nagpahagolgol sakin. Hindi ko alam kong ano na lang ang mangyayari sakin kanina? Pano kung huli na? Ang tigas kasi ng ulo mo chelsei, sinabi na nga nyang wag pero, nagpumilit ka parin. "I'm sorry, kasalanan ko to, kung hindi sana kita iniwan kanina.. Hindi mangyayari to, I'm sorry" napuno ng pag aalala ang boses nya at hinigpitan pa lalo ang yakap.

Moonlight Love Reflection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon