chapter16: Mr. Unknown

0 0 0
                                    

Chelsei

Ng marating namin ang dancefloor ay halos iilan lang ang sumasayaw gaya namin kaya mabilis naming naagaw ang attention ng mga bisita ni ate charm, maging ang mga pinsan kong babae ay panay ang tili sa amin.

So, please, don't break my heart
Don't tear me apart
I know how it starts
Trust me, I've been broken before

"keep your eyes lock to mine, I told you"napaigtad ako sa malamig na boses na yon ni christian kaya mabilis ko syang tiningnan at blangko itong nakatingin sakin "may gusto ka pa bang makasayaw bukod sa isang Dj? "tanong nito na wala man lang mababasang emosyon sa kanyang mga mata.

Napabuntong hininga naman ako at tumitig sa kanya "ikaw lang ang Dj dito"sinsero kung sabi at bigla ay nanliit ang mga mata nya at animoy naintindihan ang sinabi ko.

Pinisil niya ang bewang ko dahilan para may kung anong kuryente na naman ang gumalugad sa buong katawan ko, tigilan mo yan, christian....baka masapak kita dito... Ngumisi siya ng makita ang reaksyon ko "tss... Tuwang tuwa ka ngang nakikisayaw kanina eh,may pasuntok suntok ka pa sa braso"pinasandahan nito ang mukha ko.

Sigurado naman ako na paglabas ko kanina sa kwarto ay maayos ang hitsura ko "pinsan ko yon, wag kang manyakis"inirapan ko sya ng mas ngumisi pa sya. Bakit ba kailangan kung magpaliwanag dito?

Don't break me again
I am delicate
Please, don't break my heart
Trust me, I've been broken before

"manyakis na pala ngayon ang angkinin ang pag aari ko"tumitig ito ng matalim sakin dahilan para kumunot naman ang noo ko.

At kailan mo pa ako naging pag aari?

"ano? "maangan kong tanong at tinaasan ng kilay habang nakakunot parin ang noo.

Tumingin ito sa tenga ko "akala ko ba malinaw ang pandinig mo? "blangko parin nitong sabi na mula sa tenga ay gumapang ang paningin nya sa pisnge ko papunta sa labi "o baka gusto mong ulitin ko pa? "ngumiwi ito sakin at muling tumitig.

I've been broken, yeah
I know how it feels
To be open
And then find out your love isn't real

Inirapan ko sya at nag iwas ng tingin. Nahagip ng mata ko si kuya dexter na may nakakalokong ngisi at tatango tango pa.
'schoolmate pala ah' usal nya na kahit hindi ko narinig ay nabasa ko sa bibig niya.

Animal ka!

Muli kong iginala ang tingin at nakita ko naman si kuya brint  at ate chelz na malaki ang ngiting nakatingin din samin. Palibhasa sikat tong kasayaw ko... "bakit nandito si De Guzman? "maya mayay tanong nya.

Hindi ko alam kong bakit kapag nagtatanong sya ay pakiramdam ko ay obligado akong sagutin yon, dahil kong ibang tao man sya ay kanina ko pa sya binara.

"business partner"

"akala ko ba hindi mo sya kilala?"

"sinabi lang ng kapatid ko kanina, ba't ba ang dami mong tanong? "inis kong ibinalik sa kanya ang tingin pero ayaw nya atang lubayan ng titig ang mukha ko.

"pero may isa akong tanong na ikaw lang ang pwedeng sumagot"napalunok ako sa sinabi nyang yon. Hindi ko alam pero malalim ang pagkakasabi nya ay parang alam ko na ang ibig sabihin non.

I'm still hurting, yeah
I'm hurting inside
I'm so scared to fall in love
But if it's you then I'll try

Moonlight Love Reflection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon