chapter7: Graduation Night

1 1 0
                                    

Chelsei

Nakapamulsang nakahilig sa gilid ng hagdan si christian habang nakatingin sakin, nakasuot ito ng light red na hindi ko naman matatawag na pink ang suot nyang long sleeve na may kurbatang  dark violet... Nakalihis ang mga sleeve hanggang siko at makikita doon ang mamahalin nyang relo.

Maayos din ang buhok nya ngayon kumapara sa mga nakaraang araw dahil bagong gupit ito pero may iilang hibla pang nakaiwan sa bandang kanang kilay.

Natinag ako sa pagsipat sa kabuoan niya ng magcross arms siya bago inihawak sa baba ang kaliwang kamay at ako naman ang pinasandahan niya ng tingin bago niya tinikom ang bibig niya at tumango tango na animoy satisfied.

"yiieeee.. Ipakilala mo yan andrea ahh... A lucky guy!!!"bigla akong napatingin kay shiho ng magsalita ito. Muntik ko ng makalimutan na andito nga pala sila.

"wala naman,, tss nag iimagine lang yan si cat..." nginitian ko sya ng pilit "Tara san ang table natin?"pag iiba ko ng usapan.

"tss wala daw, eh namumula ka na eh!  Yiiee"dinutdot na naman ako sa tagiliran ni cat at tiningnan ng mapanuksong tingin kaya napaiwas naman ako ng tingin at kuyaring naghanap ng table.

"may blush on ako cat.. Tara"nauna na akong naglakad sa kanila ng nataman ko si Miss Gomez sa pangalawang table sa left side..

"dumaan din ako sa ganyang stage andrea!  Tss" iiling na sumunod sakin si shiho kasama ang dalawa "huli mo na lang malalaman sa sarili mo"natigilan ako sa paglalakad ng malapit na kami sa table dahil sa sinabi nya habang dere deritso naman sila ng upo.

Huli ko na lang  malalaman sa sarili ko?  Ang alin? Ang mainlove?  Kanino?  Kay christian?

Mas lalo akong natigilan sa inisip ko, bakit sya naman ang unang pumasok sa isip ko?tss tss....  Napailing ako at dumeretso sa upuang katabi ni cat..  "wow.... Ms. Delaney... Upgraded charm style ka na ah,, you look better huh! Nagmana ka talaga sa mommy mo... Mahilig yon sa light things to dark.. "bungad sakin ni Ms. Gomez. Besfriend at classmate ni mommy noong mga panahon pa nila.

"thank you po... Madalang ko na po kasing makita si mommy ngayon eh! "ngumiti pa ako ng pilit bago napakamot sa kinortihan kong kilay kanina.

Bigla namang nagbago ang reaksyon nya at ngumiti  rin ng pilit "ohh.. Nakalimutan ko nga pala, anyway... Class enjoy this night... For your last bonding and last dance with your partner huh... I'll be leaving you here for now" humarap ito sa lahat bago tumayo. Tinanguan ko naman sya ng muling mabaling ang tingin nya sakin.

"yes ma'am! "

"bye ma'am, you look good too! "

"okay ma'am"

"see you ma'am"

Ngumiti lang si ma'am sa mga pagsang ayon ng mga classmate ko bago sya lumayo. Ilang sandali pa bago nagsimula ng dumilim at binuksan ang ibat ibang kulay ng ilaw sa dancefloor. Napuno narin ng tawanan, kwentohan at bulungan sa paligid na animoy excited ng magsayaw.

Maganda rin ang ilaw sa stage at hindi nalalayo kaninang umaga ay maganda na ang background non, andun parin ang pulang kurtina pero iba na ang nakadikit na pader.  Seniors Graduation Night ang kumikinang na foil doon at may kung ano ano pang idinikit para magmukhang bar iyon.

Nagsalita ang inatasang Emcee sa stage na seniors din, hindi naglaon ay lumalakas na ang togtog at may ilan ng nangungunang sumakop sa dancefloor, mga kalalakihang isinasayaw ang Kani kanilang advisers at iba pa..

Nang ilan pang sandali ay may nagyaya na sa'king sumayaw sa dancefloor mga classmate kong medyo kaclose ko naman, ganundin si shiho at cat na panay ang tawanan nila ni zake habang nagsasayaw, makalipas ang halos isang oras kong pakikipagsayawan sa mga graduates ding katulad ko ay inihatid nila ako sa table para magpahinga.

Moonlight Love Reflection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon