chapter18: No Tears Left to Cry

1 0 0
                                    

Chelsei

"ayos ka lang friend?"rinig ang pag aalala sa boses ni cat ng nasa trabaho na kami. "natulog ka ba?"pinasandahan nito ng tingin ang kabuoan ko.

Napabuntong hininga ako at nagpunas ng sariling pawis "natulog naman, bakit? "hindi ko sya tiningnan at nagtipa lang sa computer.

"may nangyari ba? Magsabi ka lang ha?"hinawakan nito ang kamay ko kaya natigil ako at kumunot ang noo.

Ano bang hitsura ko?

Tinangoan ko na lang sya at muling nagpatuloy, "s-si jero, nangungulit na naman"utal kong sabi dahilan para manlaki ang mga mata nya.

"what? Oh anong nangyari? "

Bahagya syang lumapit para walang makarinig sa pag uusapan Namin "pinaalis ko"nagbaba ako ng tingin  ng maalala ang hitsura ni christian kagabi.

Mas kumunot ang noo nya at tila binabasa ako "yon lang? Tapos? "nangalumbaba ito at tumutok sakin.

"tinulungan ako ni Ken pero....."bahagya kong naiiwas ang tingin ko ng magsimula ng mag init ang gilid ng mata ko "nandun si christian"usal ko na halos mapaos na.

Umarko ang pagtataka sa mukha niya "hindi ko maintindihan"hindi galit, hindi nagtatampo at hindi nagmamadaling aniya.
Si cat lang ang nakakagawa non...kapag may gusto syang malaman napapaamin nya ako dahil sa maamo nyang tono, yon bang kapag sinabi mo sa kanya safe ka, ganun sya.

Tuloy ay nasabi ko sa kanya lahat ng nangyari kagabi at matapos ay tatango tango itong humawak sa bibig nya "masakit ngang talaga, kawawang Mr. Dj... "ngumiwi naman ito kaya nag iwas ako ng tingin at hindi pinansin ang sinabi nya at nilibang ang sarili para pigilan ang maluha. "your both  inlove and your both hurtin'"tumingin ito sa malayo na animoy alam na alam ang lahat sa amin "mas masakit lang sa kanya....ex yon eh, walang kayo, first love yon eh, walang kayo... San nga ba ang lugar ni Mr. -"

"tama na please"hindi ko na sya pinatapos dahil hindi ko na napigilan ang luha ko at tahimik na humagolgol. Naninikip na naman ang dibdib ko.

"masakit? Edi naniwala ka na rin sakin? Ano ng gagawin mo ngayon? "tinarayan ako nito na parang ako talaga ang may kasalanan kaya mas lalo akong napahagolgol. "sa bagay, si Chelsei Andrea Delaney ka nga pala, manhid kunyare... Ngayon nganga"lumapit na ito sakin at niyakap ako. "alam kong natatakot ka lang dahil sa pag iwan sayo ni jero, pero tingnan mo naman... Wala pang kayo pero nasasaktan na yong tao, which means mas malalim ang feelings nya para sayo than jero na ganun ganun ka na lang iwan"hinagod nito ang likod ko just like iiyak lang lahat tapos mawawala din.

Pero hindi ganun kadali yon, baka tuluyan na akong iwasan ni christian... "p-pano kung tuluyan na syang lumayo? "gumaralgal na ang boses ko na parang pasan ang problema ng buong mundo.

Ito na nga bang sinasabi ko, kung kailan ko sya minahal... Saka lalayo, I'm gonna love him like I'm gonna lose him. At nagtagumpay sya, he did lose  me just to love him... Angdaya nya... Ako na lang lagi ang iniiwan... Kung kailan mahal ko na sya..

"andrea! Andrea!  OMG my secret admirer ka na! "pareho kaming napalingon ni cat kay Jeanne-katrabaho namin, lumapit ito na may dala dalang bouquet of flowers at box na gaya ng natanggap ko sa bahay noong birthday ni ate charm.

Bigla ay lumukso ang puso ko si hindi malamang dahilan at dali daling pinunasan ang mga luha ko. "yiee andrea, sa bagay sa ganda mong yan hindi malabong may magpadala ng ganto araw araw"inilapag nito sa table ko at nagpaalam.

Nagkatinginan pa kami ni cat at sya ang tumingin sa card non bago ako nito tiningnan ng nanunukso, alam ko cat, alam kong siya.... "hindi sayang ang luha mo friend, power si Mr. Dj... Nasaktan na't lahat... Sweet parin,may pa baby pa ah? "ipinakita nito ang card sakin at sinilip silip pa ang laman ng box.

Moonlight Love Reflection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon