Prolouge

33 1 0
                                    



***This is a work of fiction. Names, characters, establishments, places, or events are either product of author's imagination or are used in a fictitious manner. Any resemblance to a person, living or dead, are pure coincidental.

Plagiarism is a crime. Please do not distribute, transmit, modify, display, or exploit this story without my permission.

——————————
——————————



Tumingala ako sa mga nagtatayugang puno ng buko habang isinasangga ang aking kanang kamay sa mga mata para hindi masilaw sa liwanag ng araw. Sakto ang ganda ng panahon ngayon para sa pagpapapitas ng mga buko.


"Ma'am Ella, nasabihan na po sila Ka Fredo na dagdagan pa ang mga kabayo para sa pagbaba ng mga buko."


Tumango ako at nagpasalamat sa trabahador. Siguradong hindi sasapat ang limang kabayo namin na ipinadala ni Tita para magbuhat pababa ng mga prutas mula dito sa taas ng bundok. Makakailang pabalik balik pa sila bago matapos kung hindi dadagdagan. Napakatagal kasing matapos ng sementadong daan na pinapagawa ng pamilya namin para sa gayon ay hindi nadin pahirapan sa tuwing anihan ng mga prutas. Isa pa ay naaawa ako sa mga kabayo sa tuwing nagbubuhat sila kahit na alam ko namang working animal sila, hindi padin ako komportable sa tuwing nakikita ang nagbibigatang kaing na dala nila.



Nagikot ikot muna ako sa lupain namin dito sa bundok habang hinihintay na matapos ang pag-ani. Ang tantya ko ay aabutin kami dito hanggang hapon. Sana ay hindi abutin ng dilim. Iyon ay kung mabibilis pumitas ang mga tao at alam ang mga ginagawa nila.


"Good morning, Ma'am Ella." bati sa akin ng tagapangalaga ng mga dalandan.\


"Good morning Kuya Nilo. Mukhang madami ang mga bunga ngayon, ah!" napansin ko kasing maganda ang tubo ng mga dalandan ngayon, sana ay hindi malagas hanggang sa pwede na pitasin. Ngumiti ako at nilagpasan na siya.


Nakakarelax talagang marinig ang ingay dito sa bundok. Kung hindi ang lagaslas ng tubig sa sapa ay huni ng mga ibon naman ang bumabalot sa paligid.


Who would have thought that I'd like this kind of life eventually. Nakakatawa dahil my parents always thought that I'd die out here, dito sa probinsyang isinusuka ko dati. Sure, I miss the city from time to time that's why I go there sometimes. Kapag nandoon naman na ako ay hinahanap hanap ko ang ambience ng San Iseda.



iba talaga ang pakiramdam ko kapag nandito. The peace and quiet is priceless. I feel at home.

 

I've never really pictured out myself settling with what my parents want for me. Of course, nag iisang anak ako sino pa nga ba naman ang kukuha ng responsibilidad na mag-alaga ng lupain at negosyo kung hindi ako lang. Akala ko dati ay tuluyan ko nang tatalikuran ang mga responsibilidad ko dito. Pero siguro nga ay tama ay sinasabi nilang 'time heals all wounds'.


I smiled to myself when I neared the stream. Palakas ng palakas ang tunog ng lagaslas ng tubig habang papalapit ako. Malapit na ako sa hangganan ng lupain namin. Hindi kasi namin sakop ang buong bundok, it has to do with my ancestors not including the other part of the land when they made a title for it. Ang balita ko ay nagmigrate na ang pamilyang nag mamay-ari sa bahaging ito ng bundok kung kaya ay ipinagbibili na nila ito.

Because There's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon