Nine

5 0 0
                                    



It's a little past seven in the morning the next day when I woke up, and decided to go downstairs. Tanging si Yaya Mercy lang ang naabutan ko sa baba dahil pumunta sa farm sila Daddy. They asked me last night if I wanted to go with them and see our land but I declined. Ang aga aga nilang aalis at tulog pa ako ng ganoong oras.



Tita Laura and I usually attend the mass but since nandito ang parents ko and they needed to check our estates, I guess today is an exception.



After I ate my breakfast, I went back upstairs to take a bath and fix myself. Naalala ko ang sinabi ni Chago sakin kahapon kaya sa kanila ang tungo ko ngayon. Naisipan kong isama si Mario para makapag lakad naman siya sa labas, at ma-exercise din.



He was so happy when he saw me holding his leash.



"Stay still, Mario! Let me put this on so we can go." I told him when he kept on jumping and I can't hook his leash on his collar properly.



Bago kami lumabas, I yelled my goodbye to Yaya Mercy so she'd hear me dahil nasa itaas siya at naglilinis sa kwarto ko.



We walked on the street and he was curious about the people and the animals that he sees. Ang tapang pa niyang tinahulan ang isang kalabaw na dadalhin ng isang farmer sa bukid.



"Magandang umaga, Ella." bati ng isang kapitbahay namin. Hindi ko memorized ang mga pangalan nila pero lahat naman sila ay mababait. They would usually greet me or smile at me kapag  nakikita nila ako.



"Good morning po. Ingat po kayo sa palayan." kumaway ako bago nagpatuloy sa daan tungo kila Chago.



Nang makarating kami ni Mario, tanaw ko mula sa labas ng gate si Lola Rosing na nagdidilig ng mga halaman.



"Good morning po, Lola." bungad ko sa kanya.



"Ay, apo! Magandang umaga. Pasok ka, pasok!" nagmamdali niyang binitawan ang hose at pinag buksan ako ng gate. "Naku, akala ko ay hindi ka na ulit dadalaw." she held my arm and rubbed it a bit.



Nag-mano ako sa kanya pagkapasok. I looked around to check if someone else is there but I saw no one. Nasaan si Chago? The pick-up truck is at the garage, though.



At bakit mo hinahanap? I shook my head at the thought. Bakit ko nga ba siya hahanapin eh si Lola Rosing naman ang sadya ko.



"Ano ang hanap mo?" she sounded like a seller in the market kaya natawa ako. "Si Chago ba, apo?"

Because There's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon