Four

12 1 0
                                    



Kakatapos lang ng first grading exam at half-day kami. It's a good thing that Jelly lent me her notes from the previous lessons so I was able to review. Katulad ng dati, sa stage kami nagtipon-tipon. Hinihintay nalang namin ang mga grade 11 dahil mayroon pa silang isang exam.


"Matagal na tayong hindi nagpupunta sa sapa, ah? Mamayang makapananghalian, ano? Tara!" yaya ni Ruel.



"Saan 'yon?" taka kong tanong.



"Hindi ka pa nakapunta doon ever?" hindi makapaniwalang tanong ni Jelly. "Hindi ba malapit iyon sa lupain niyo?"


Napaisip tuloy ako. Kung ang tinutukoy nila ay iyong sapa sa itaas ng bundok kung nasaan ang prutasan namin, alam ko iyon syempre. It's just I didn't know that they can go that far.


"Parang ang layo. Aakyat pa tayo ng bundok?" reklamo ko. Matagal na nang huli akong naisama nila Daddy doon sa lupang iyon kaya halos hindi ko na matandaan ang eksaktong daan.



"Ha? Hindi na! Iyong nasa dulo lang ng kapatagan na sapa ang tinutukoy ni Ruel, sa Pinait." paliwanag ni Jelly. "Sabi ni Papa, mahabang lakaran daw kapag umaani sila sa inyo eh. Sa susunod don naman tayo sa inyo, pwede?"


I said yes to her question. Pwede naman siguro basta magsasabi ako kila Tita Laura. Matagal nadin ang panahon na hindi ako nakapunta doon sa bundok. Hindi ko na maalala ang itsura noon.


"Magsasabi ako kay Tita, tsaka pagplanuhan natin ng maigi 'yon. Medyo malayo nga kasi."



As usual, nakisakay na naman kami sa pick-up truck ni Chago. Nagtalo pa sila ni Jelly bago kami maka-alis dahil ayaw kaming pasakayin sa carrier. Ang gusto ni Chago, lahat ng babae ay sa loob at hayaan na lang ang boys doon.


"Napaka-arte mo, Chago! Dati-rati naman hinahayaan mo kami ni Maxi doon." humalukipkip siya bago pumasok sa likurang passenger's seat.


"Hindi magandang tingnan na nakatayo at nakakapit kayong mga dalaga doon sa likuran, Jelly." nag buntong hininga pa si Chago na akala mo ay napaka laki ng problema.

 

Tulad ng dati, ako ang huling inihatid. Nadatnan pa namin na kalalabas lang at paalis ang sasakyan ni Tita Laura sa tapat ng gate. Bumusina ito at nagbaba ng bintana.


"O, Chago? Ihahatid mo si Ella?" bungad niya habang sinisipat ako sa likuran ng truck. Clear kasi ang bintana at walang tint.

 

"Magandang hapon po Tita Laura. Opo, sabay-sabay kaming lahat umalis sa school."



"O siya, sige!" sumensyas si Tita sa akin na ibaba ko ang bintana, hindi ako makalabas dahil tatama ang pintuan sa kotse niya. "Ella, may agricultural seminar ako sa Santa Rosa, sa isang araw pa ang balik ko. Si Yaya Mercy muna ang kasama mo dito sa bahay ha?" bilin niya.

Because There's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon