Sixteen

16 0 0
                                    

My breath hitched when I saw him leaning on his pick-up truck. His hands were inside his jeans' pockets habang nakatanaw sa akin. He was wearing a pair of aviators.

Jusko! I feel like I am running away with a GQ model!

Palinga linga ako sa paligid nag-iingat na walang makapansin kung saan ako tutungo. Kulang nalang ay tawagin ko lahat ng santo sa tuwing may ilang estudyanteng napapalingon sa akin.

"Akala ko si Ate Mariz?" a student in the lower year passed by with a friend, and I heard her whisper that. They even looked at me before looking at Chago.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh.

"Pag-uusapan tayo sa ginagawa mo," pabulong kong sabi sa kanya bago ko siya nilagpasan at nagmamadaling pumasok sa shotgun seat.

I watched him walk around to get in the driver's seat.

"Bakit tayo pag-uusapan?" he was igniting the car's engine and not looking at me.

"Duh? Baka mamaya isipin nila na nagde-date tayo?!" It annoys me everytime I remember those scrutinizing stares of the other students. Idagdag mo pa na parang clueless itong kasama ko!

He didn't answer me. Kainis.

He manuevered the car so he can drive it out of the school. Tinahak namin ang daan patungo sa high way kaya nagtataka akong bumaling sa kanya. I forgot to ask, saan ba kami pupunta?

The silence ate the both of us. As for me, I was busy thinking about what could be the reason why we were out alone right now, and why I decided to come. Para akong sunod-sunuran. He was glancing sideways, I'm not sure if he's checking the side mirror or he was glancing at me.

"What is this place?" tanong ko nang nakarating sa destinasyon.

Ngumiti sya bago bumaba para umikot at pinag buksan ako ng pinto. I carefully slid out of the car while looking around.

Malawak ang lugar. As usual tanaw padin ang mga bundok na nakapaligid pero parang mas malapit. I can see some big barns from afar. May malawak na palayan sa kaliwa namin at may iilang mga puno ng mangga.

"Nasaan tayo?"

Tinanggal niya ang aviators niya at isinabit sa collar ng damit niya. Nakapamewang siya at inililibot din ang paningin sa paligid.

"Sa farm. Dito ako nagpupunta tuwing weekends." tipid siyang ngumiti. "Tara!" 

We settled on a bench under a mango tree. It was made of bamboo. May mga pagkaing nakahain sa mesa at may iilang mga prutas at inumin. Parang may picnic!

Nagtataka akong bumaling sa kanya. Mukhang pinaghandaan ang pagdating namin dito.

He mindlessly placed a plate in front of me. Naglagay din siya ng orange juice sa baso na nasa harapan ko.

"Anong gusto mo? Kumakain ka ba nito?" he pointed out on a purple sticky rice cake. His voice was laced with doubt.

Hindi naman ako maarte sa pagkain basta wag lang gulay kaya walang kaso ang kakanin sa akin. Simula nang tumira ako dito sa San Iseda ay halos araw-araw yatang may iba't ibang klaseng kakanin sa hapag namin sa bahay and I enjoy them. Madalas ay gawa ni Yaya Mercy o di kaya ay bili ni Tita galing sa bayan.

"Don't insult me, Chago. Ginataang suso nga kinakain ko, eh," irap kong sagot.

Tumawa siya at umiling. "O, bakit? What's funny?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Because There's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon