Two

11 1 0
                                    

"Welcome to San Iseda National High School, Ella. Mababait ang mga estudyante namin dito, siguradong mabilis ka magkakaroon ng mga kaibigan." 

Gusto kong umirap sa Principal pagkasabi niya ng welcome remarks niya but I can't because Mommy's staring daggers at me.


Medyo nagtantrums kasi ako kanina nang malaman na dito ako sa public school papasok. Jusko! This is not what I expected! Hello? Okay lang ba sila?! From an exclusive school in Manila, itatapon nila ako dito sa public school na 'to?


"We can't risk you travelling from here to the nearest private school, Ella. That's five towns over. Masyadong malayo." paliwanag ni Daddy nang nagsawa na si Mommy kakapaliwanag sa'kin.

"But Dad! Okay lang nam-"


"Sige, pero iiwanan namin sila SPO2 Cruz sa'yo. Payag ka?"

Wala na. Talo na ako! Alam na alam nila na ayokong may mga pulis na nakabuntot sa'kin para magbantay. Pakiramdam ko kriminal ako na bawal mawala sa paningin nila. 


I understand that Daddy has made a lot of enemies because of his work, pero ayoko talaga. Hindi ko magawa ang mga gusto ko kapag may security. Tsaka hello! Nasa dulo kami ng walang hanggan, malalaman pa ba ng mga kaaway ni Dad na andito ako?


"Cruz," tawag ni Daddy sa tao niya. Hindi ito naka-uniform pero litaw naman ang nakasukbit na holster ng baril sa bewang. My God! Nakaka-stress!

"Dad! 'Wag na!" putol ko sa kanya bago pa niya bilinan ang tao niya, "Fine. I'll attend this school para matapos na!" 

Naiirita parin talaga ako.

Inihatid ako ng Principal sa classroom ko nang maka-alis na sila Mommy at Daddy. Kinausap niya ang class adviser at ibinilin na ako doon. 

Nang pumasok ako sa classroom, akala mo ay mga pusa na may sinusundang laruan ang mga mata ng mga estudyante. Sabay sabay silang tumingin sa direksyon ko na nasa harapan, katabi ng teacher's table.

Hindi ako naka uniform katulad nila dahil nagpapatahi palang, so here I am in my denim ripped jeans, white cropped top, and white sneakers. Halatang halata na dayo, transferee.

"Class, listen. Mayroon kayong bagong kaklase. Maging mabait kayo sa kanya at tulungan nyo siya. Galing siyang Maynila kaya I expect na iwewelcome nyo siya ng maayos." tahimik ang buong klase na nakatingin lang sa akin habang nakikinig sa chika ng Adviser nila- I mean, namin. 

"Ella, introduce yourself to your new classmates." dagdag pa nito.

"What should I say aside from my name?" medyo mahina kong tanong sa kay Mrs. Pueblo.

"Ikaw na ang bahala, hija. Anything that you want to share with your classmates."


I scanned the whole room, naka- focus talaga silang lahat sa'kin, naghihintay ng sasabihin ko. Ang ilan ay mga nakapangalumbaba pa at titig na titig.

"Uh.. hi everyone. I'm Elizabeth Cortella Del Rigos. I'm 16 years old. Before I went here, I was studying in British Metro International," I purposely mentioned it to impress but it didn't seem to affect them. Or... baka hindi nila alam how prestigious my previous school is? 

I shrugged and continued, "Well, my hobbies include shopping, tending to my socials, watching American TV series and movies on Netflix, I also like playing with my dog, Mario-"


Because There's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon