Eight

8 0 0
                                    

Start writing your story

It was a Saturday when my parents arrived from Manila. Hindi sila nagpasabi na dadating kaya naabutan nila akong palabas sa gate dahil may usapan kami nila Jelly na tatambay sa plaza.



"I'm glad you've made friends here," Mom kissed my cheek before she let go of me. Mamaya nalang daw kami mag-usap pagkauwi ko.



Nang makarating kami ni Jelly sa plaza ay nandoon na silang lahat.



"What's up, guys? O, english! Gusto mo 'yon?" bati ni Jelly sa grupo. Umupo siya sa tabi ni Erol habang ako naman ay doon kay Ruel tumabi dahil iyon nalang ang bakanteng upuan.



"Bakit ang tagal niyo?" bulong ni Ruel. He was leaning sideways, and whispering really close to my ear.



"Hoy, Ruel!" tawag ni Maxi sa kanya nang napansin ang ginagawa ng kaibigan. Umayos naman ng pagkaka-upo si Ruel bago bumaling kay Maxi.



"Bakit palaging kontrabida ka, Maxi? May regla ka ba?" iritadong baling niya.



"Wala kang pakialam! Landi mo!" masungit naman na sagot ni Maxi.



"Naglakad lang kami ni Jelly, eh. At tsaka nagpaalam pa ako sa Mommy ko." paliwanag ko sa lahat para hindi naman unfair kahit napabulong ang tanong ni Ruel. Para nadin matigil ang pagtatalo ng dalawa.



"Siya nga pala, punta kayo sa bahay sa Martes ha?" napabaling ako kay Mariz. Anong meron?



"Ay! Oo nga pala, birthday mo na. Madami bang imbitado?" tanong ni Aris.



Oh, it's her birthday? Maybe I should ask Jelly to go with me so we can buy her a gift or something.



"Tayo tayo lang, at tsaka may ilang pinsan ko ang pupunta. Kaunti lang." nakangiti niyang sagot.

Because There's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon