Five

9 1 0
                                    



I swear, I looked like a distressed Juliet the whole ride with Chago. 


Nang makarating kami sa highway, medyo bumilis ang patakbo niya sa kabayo. Wala akong choice kung hindi iyakap ng mabuti pati na ang isa ko pang braso. I am so embarrased! Especially when I heard him chuckle. Anong nakakatawa?


Duh! Of course, it was me who's funny. Para siguro akong kahoy sa sobrang tensed ng katawan kong nakayakap sa matigas niyang tiyan. Parang walang kataba-taba sa katawan ang lalaking 'to.


I wonder if he has abs?


Oh God! Kailangan ko yatang magpabasbas ng utak kay father sa linggo! 



"Hanggang dito nalang si Zeus." nagulat pa ako nang magsalita siya. 


Nakatigil na pala kami pero ako si tanga, nakayakap padin ng husto sa kanya. Nakakahiya talaga!



I instantly removed my arms around him as if I was scorched by something really really hot.



Maingat siyang bumaba sa kabayo at hinawakan ang tali nito habang hinihintay niya akong bumaba. Nagkatinginan pa kami sandali dahil hindi ako kumilos.



"Uhm... I-i don't," nakakainis! How do I get off this freaking horse?!



Ngumisi siya bago itali si Zeus sa isang puno. Akala ko ay pababayaan niya akong ma-figure out kung papaano bababa doon but to my surprise, he came back for me. Nakalahad ang dalawa niyang kamay sa akin akala mo ay may batang kakargahin.


"What?" naka kunot noo kong tanong.


"Talon." kalmado niyang utos.


Sira ba ulo nito? Ayoko!


"Sasaluhin kita, bilis" dagdag pa niya. I loked at him as if he grew another head.

 

Why does it have to be awkward? Riding his horse was such a bad idea. Hindi ko naisip na bukod sa pag sakay ko kanina, magiging problema din itong pagbaba. Ugh!


"Mahuhulog ako." I told him na akala mo ay may magagawa iyon para maiwasan ko ang sitwasyon namin ngayon.


He chuckled and shook his head. Nakakainsulto talaga kapag tumatawa siya ng ganyan. Hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isipan niya kapag may sinasabi ako at natatawa siya kahit na seryoso naman ang sitwasyon.



I looked at him and saw him stifling his laugh. He was biting his inner cheek to do that. Pigil na pigil. Kakainis!


"'Wag mo akong pagtawanan diyan! Unang-una hindi ako na-informed na mangangabayo tayo!" I cringed at my last words and saw him smirked at that. Parang enjoy na enjoy niya ang mga kahihiyan ko. Kung bakit ba naman inaatake na naman ng pagka-green ang utak ko. Now, I have to save my face.

Because There's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon