Three

8 1 0
                                    




Hindi ko namamlayan na mabilis nading lumipas ang mga araw. Some days were dragging and some days were fun. 


I still crave for my old life back in the city but what can I do, right?


As usual, iisang grupo lang ang palagi kong kasama. Masaya naman silang kahalubilo, although at times, I still miss my friends in Manila. 


I miss the crowd, the school, and the places that we go to. 


Ultimo iyong café na pinagbibilhan namin nila Dani at Charm ng frappe ay namimiss ko nadin.



Kung pasyalan kasi ang pag-uusapan, mapapairap ka nalang talaga. 


Hindi naman mahirap na mahirap ang bayan ng San Iseda, pero my God! Walang kahit isang mall. Ang pinaka tambayan nila dito ay ang plaza na nasa tabi ng simbahan sa bayan. 



When I asked kung saan makakabili ng mga damit at kung ano ano pa, I was directed to a small shop. Mayroon ding isang grocery store na super limited ang goods dahil karamihan naman daw ay sa palengke namimili.



One time, I craved for doughnuts, ang sabi ni Tita Laura ay siya na ang bahalang bumili. So when she came back, I was really excited. I didn't know you can get those here. Well, so much for putting my hopes up. 



Guess what she got me? Doughnuts! Right. Dough freaking nuts. Iyong kulay brown na tinapay na puno ng asukal. Like... what?



During Sundays, isinasama naman ako ni Tita sa simbahan. First mass palagi, so imagine my eyebags saying hello to everyone sa tuwing umaattend kami ng misa ng napaka-aga? 


Minsan pa ay napag sabihan ako na bawal daw ang off shoulder top kapag magsisimba. Pfft!



Hindi naman ako makapag reklamo di ba dahil malalagot na naman ako kay Mommy. My first few days here were bombarded with phone calls from Mom dahil sa dami ng reklamo ko.



"Ang hina ng signal ng internet, Mom! Ang bagal-bagal." reklamo ko isang araw dahil bwisit na bwisit ako sa assignment na kailangan kong i-search. Tinatamad kasi akong magbasa ng napakahabang libro.


"Why don't you read your book instead, Ella?" masungit na sagot ng nanay ko.



"Duh? Kaya nga mag goo-google para I can finish it quickly."

Because There's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon