Eleven

7 0 0
                                    



Sa mga sumunod na araw ay naging busy kaming lahat. 



Dahil hindi kami magkaka-klase ay iba't-iba ang mga pinagkaabalahan namin. Ang mga grade 10 ay may mga group projects, habang ang mga senior high naman ay abala sa mga extra curricular activities. 



Halos kami nalang ni Jelly ang madalas magkasama dahil ka-grupo ko siya sa mga project at groupworks habang si Maxi ay naisama sa iba naming kaklase.



Hindi ko namalayan na patapos na ang third quarter ng school year. Third quarter exams nalang at malapit na ang Christmas party. It got me excited dahil ibig sabihin, kaunting panahon nalang ay christmas break na at malapit na ang birthday ko.



Sa sobrang abala ay halos nakalimutan ko na din ang dahilan kung bakit ako nandito sa San Iseda.



My friends back in Manila texts me from time to time but nothing's new. It was just plain how are yous and I miss yous. 



Kinalimutan ko nadin ang paghihintay sa kahit anong paramdam o reply ni Roy. Tama na iyong nalaman ko na nasa ibang bansa siya at hindi naman nag-effort na kontakin ako.




It was a Thursday after lunch when I saw Chago in school. Malayo palang ay tanaw ko na siya. Magkakasalubong kami sa hallway. Papunta ako sa faculty dahil nautusan ako ng teacher namin na kuhanin ang naiwan niyang libro.




Aside from his towering height, his physique gave him away, too. Kahit yata patalikurin mo siya ay hinding hindi ako magkakamali at makikilala ko padin siya. 



May kausap siyang isa pang senior high, malamang ay kaklase niya. They were carrying piles of folders.



Habang papalapit ay una akong napansin ng kasama niya. Nakita kong siniko siya nito kaya napatingin siya sa direksyon ko. 



Bumagal pareho ang lakad namin. Hindi ako sigurado kung bakit pero hindi din naman ako nagmadaling makaalis. 



Should I greet him? He was looking at me as if he wanted to say something.



"Hi, miss." bati ng kasama niya. The greeting was polite so I smiled to acknowledge.



"Ella," Chago said my name. How long has it been since I last heard him call me?



Tumigil ako sa paglalakad. May sasabihin ba siya?

Because There's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon