Six

6 0 0
                                    



"Anong ulam?" bungad ni Ruel habang nagbababa ng bag sa bakanteng upuan sa tabi ko. It's a typical lunch break for all of us here in school.



Kumpleto kami sa isang pahabang lamesa. Jelly was seated on my left, katabi niya si Erol sa dulo. Sa harapan ko naman ay si Maxi. Nasa kanan niya si Mariz, Chago, at Aris.


"Chicken curry binili ko, they have menudo din." sagot ko naman.


Tumango lang siya bago umalis para bumili sa counter.


"Hay nako! Para ka namang bago ng bago. Matagal nang may crush 'yan kay Chago!" pabulong iyon pero rinig ko ang pinag-uusapan ni Maxi at Mariz. Si Jelly ay nakikinig lang din habang kumakain.


"Sino?" I asked out of curiosity.


"'Yung mga iyon," turo ni Jelly sa isang grupo nga mga junior high school na halatang kinikilig at pasulyap sulyap sa lamesa namin. Napansin ko din ang kabilang lamesa na may senior high na mga estudyante, ang iba ay grade 12 na. Are they liking the same person?


"Actually, hindi lang naman yan ang nangangarap kay Chago. Madami sila. Masanay na tayo." dagdag ni Jelly.


Ganoon siya ka in-demand? Kung sabagay, siya na yata ang pinaka gwapo sa buong school.



Napatingin ako sa banda ni Mariz at naka nguso ito. Parang hindi nagustohan ang sinabi ni Jelly.



"Ang pogi kasi nitong si Chago, eh!" pang-aasar ni Maxi kay Chago na nakikipag-usap kay Aris at Erol.



"Tss." iyon lang ang reaksyon niya? Kahit kailan talaga!



"Ako din naman gwapo ah!" sabat ni Erol.



"Ako din di'ba?" pahabol naman ni Aris.



Nagsimula na silang mag-asaran pero hindi ko na nasundan ang usapan nang dumating si Ruel dala ang lunch niya. Inilapag niya ang tray niya, at umupo sa tabi ko.



"Ay, patapos ka na?" tunog dismayado niyang sabi kaya natawa ako.



"Hindi pa naman." I told Ruel. May kalahati pa kasi sa plato ko. "Tsaka hindi pa naman kami babalik sa classroom. Kumain ka na diyan." utos ko sa kanya.

Because There's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon