Royalty👑10

7.8K 243 65
                                    

"Hindi!" Sigaw ni Sam. "Kapag maliit, mas hinog. Right, Adi?" Nilingon niya pa ako. I just shrugged. I don't have knowledge about it.


"It depends, okay?" Irap ni Kiana. "May mga malaki na hinog na!"


"Ah basta, kapag maliit mas masarap!" Pilit ni Samantha.


"Kapag malaki mas masarap! Worth it pa pagod," pilit din ni Kiana saka gumiling giling.


Gosh, I don't get them. Pinapanuod ko lang sila habang naka-upo ako dito sa round table. They are not fighting, though. It seems normal. Ganyan ata talaga sila. Makukulit tapos nakapa random.


"Grabe kayo, ah. Ano ba pinaglalaban niyo? Parang about yan saamin, ah. About ba 'yan sa pagkalalake namin? Sa etits namin?" Singit ni Ezekiel, kakatapos nila mag swimming. Natawa yung iba ako naman clueless parin!


"Etits amp. Kadumi mo," tawa ni Liana saka tinapunan siya ng twalya.


"May gan'on ka pala, Zeke?" Kunwari gulat pa itong si Percival. May nalalaman pang patakip takip sa bibig.


"Kailan ko lang din nalaman, pre," sagot niya at nagtawanan sila ng grabe. Yung ibang girls din nakikitawa.


Etits what? Argh! Bakit ba parang wala akong alam? I feel so out of place. Napanguso tuloy ako.


"Magbabalat lang kasi ng mangga dami niyo pang alam," sabi ni Bailon habang pinapatuyo ang buhok niya.


Umirap si Sam. "Hey, Adi. Tikman mo," binigay niya saakin yung isang slice ng mangga.


"Baby Sam, patikim din," hingi ni Ezekiel pero hindi siya pinansin.


"Sawsaw mo diyan, oh," turo ni Kyline na katabi ko. Nag-pa-paypay siya at kasama ako sa napapaypayan.


Sinunod ko sila at sinawsaw doon bago sinubo. Kumuha ako agad ng tissue at dinura doon. Tawa lang ng tawa si Sam. Alam niya! Bobo, hindi ako kumakain ng maanghang!


"What the f, Sam! Anong trip," medyo inis kong sabi.


Wala pang tubig sa table. Ang sakit na ng dila ko. What the hell was that. Nag iinit na ang mukha ko. I really hate spicy foods.


"Ezekiel, kuha ka ng tubig sa dagat," utos ni Kyline. "Ako na pala," saka tumakbo papunta sa dagat dala yung tupperware.


Wtf? Tubig sa dagat eh kakatapos lang nila maligo don. Wtf, ano bang problema nila? Shit. I will never drink ocean water!


"Tss," someone sat besides me. Si Leon na inabot saakin ang karton ng juice na iniinom niya. I sipped quickly sa straw, inubos yung laman no'n.



I looked at him at nagtama ang mga mata namin. Brown ang mata niya kaya medyo nagtagal ako pagtitig ko at ganon din siya. Ako na ang umiwas ng tingin.


"Thanks," sabi ko saka sinamaan ng tingin si Sam na tawa parin ng tawa. Required bang maging ganyan kapag buntis? So weird.


Umalis na rin sa tabi ko yung Leon, 'di ko alam kung saan nagpunta. Hindi ko na kasi nilingon dahil tinanong na nila ako.


"You don't eat spicy foods?" Tanong ni Perry.


Umiling ako. I still want to drink. I want some water pero sa room pa 'yon.  Medyo nag-iinit pa ang lalamunan at mukha ko. Hindi naman ako allergic pero sensitive lang talaga ako sa mga maanghang.


"Parang tanga ka, Sam, alam mo yun?" Irap ko saka binato siya ng face towel. Sorry siya wala asawa niya. Kasama niya sila Augustus kumuha ng buko.


Royalty Fixed Marriage           |Wyorck Series #2|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon