Royalty👑30

6.9K 186 11
                                    


Bawal pa rin akong pumasok sa opisina. Pero sinigurado ko naman na i-check ang emails ko bago gawin ang mga gusto ko ngayong araw. Also, I already signed and approved proposals sent by my secretary personally. Hinintay niya na rin ang mga papeles at bumalik din kaagad sa Zaraga Corp.


Nang matapos kumain ng tanghalian ay naligo ako ulit at nagbihis ng panlabas. I just wore a white high waist short with black button and a black loose button-down long-sleeved polo that was tucked in in front. Nag sandals lang ako dahil kila Sam lang naman ako pupunta. Wala kasi si Zac ngayon. Aniya'y na sa Avalon daw para sa isang meeting about sa incident. Look how far i've done. Pati mga inosenteng tao ay nadamay ko.


"Saan ka ngayon?" Ito nanaman si Leon. Kabababa ko palang, mukha niya na ang bubungad sa akin.


"Secret," wala sa sariling sagot ko dahil nag te-text na sa akin si Sam. Ang tagal tagal tagal tagal ko raw. Napakainipin ng buntis.


"Saan nga?" Medyo inis na tanong niya at sinundan ako papunta sa ref. Hindi ko siya pinansin at pinasok ang cellphone sa sling bag na suot ko bago binuksan ang ref. Kumuha ako ng milk shake roon na pinadala sa akin kahapon ni Leon.


Hinarap ko siya matapos isara ang ref, seryoso ang mukha. "Alam mo, Luke? Naiirita na ako sa'yo. Ano ba talaga ang gusto mo?"


Matagal ko nang sinabi sakanya na hindi ko siya gusto at hindi magugustuhan pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay desidido parin siya. May sira ata 'to sa ulo.


"Palagi mo na lang akong iniiwasan. Bakit ba ayaw mo sa akin?" Seryosong tanong niya pero bakas doon ang inis. Siya pa nainis, ah?


"Just because." Sagot ko at nilagpasan siya. Habang naglalakad ako nagsalita nanaman siya kaya tumigil ako at stressed na hinarap siya.


"Ano bang mali sa akin? Hindi naman tayo magkadugo, ah." Pilit niya. Parang kahit anong oras ay sasabog na siya.


Umirap ako sa harap niya, "Kahit hindi tayo magkadugo, kung ayaw kita, ayaw kita. Kaya tumigil ka na hangga't may natitira pang kabaitan sa loob ko," tumalikod na ako at hindi pa nakakalayo ay hinawakan niya ako sa braso. Mabilis ko naman 'yong inalis.


"Ano bang problema mo?!" Napalakas na tanong ko kaya pumasok si Emman at tumayo sa tabi ko.


"Bakit ka nandito, ha?!" Ngayon ay na kay Emman na ang atensyon niya. Tinulak niya ito gamit ang dalawang kamay kaya gumamit na ng pwersa si Emman. Sa huli ay hawak na nito ang dalawang kamay ni Luke sa likod.


Yes, he's just my bodyguard, but Luke is lower than him if law is concerned. Commoner lang naman si Luke at nakikisabay lang sa blessings na natatanggap ni Lia. I can still remember Lia's story about him. He's so addicted into gambling and was once rehabilitated because of illegal drugs intake. Those were some of the reasons why I don't want him in my mansion. I don't know what he can do.


Nagsisigaw si Luke at sinusubukan makaalis nang pumasok si Lia. Gulat na gulat siya at mabilis na naglakad papunta sa akin. Marami na ring gwardya ko ang pumasok sa loob at nakatayo lang sa likod ni Emman. Ang dalawa ay na sa tabi ko.


Hindi ako mahilig sa bodyguards pero nasanay na dahil kay Kin. Bigla na lang ay nagpadala siya ng mga gwardya na hanggang ngayon ay na sa tabi ko pa rin.


"Anong nangyayari, Adi?!" Natatarantang tanong niya sa akin. I don't even know what to answer. Should I frankly say how irritated and antagonistic I am toward her brother?


Royalty Fixed Marriage           |Wyorck Series #2|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon