Royalty👑27

6.3K 194 25
                                    


Pagpasok ko ng Royalty M ay wala nang gaanong tao. Kung meron man ay mga kilalang tao lang sa Xaiton. Nandito ang mga pinakamalaking tao sa buong lugar kaya siguro nilimitahan na ang mga pwedeng pumasok. Ang mga pinakamalaking taong tinutukoy ko ay ang mga makakasama namin sa club ni Kin.


Naiwan na sa labas ng club ang mga gwardya ko nang pumasok ako sa loob ng club. Medyo maraming tao at hindi pamilyar ang iba sa akin. But the way they stare at me, it's obvious they know me. You can easily read them because their eyes says it loud. Isa lang naman ang mahirap basahin para sa akin. Iyon ang asawa ko.


Someone led where my friends at. Sa second floor iyon at exclusive iyon ngayon. Sa hagdan nga ay nakatayo ang mga gwardiya na pamilyar bilang pagmamay-ari ng pinsan kong si Sam. Nandito ang Queen kaya malakas ang seguridad.


"Oh, the pinagpalit is finally here!" Sigaw ni Sam kaya napatingin saakin ang lahat. Umirap ako at medyo natawa kahit hindi naman ako natuwa sa term niya.


"Kahit pinagpalit maganda pa rin," si Liana iyon habang niyayakap ako.


"Hi, Adi!" Niyakap din ako ni Kyline at hinalikan sa pisngi. Ganon din ang ginawa nila Ica, Jennie, Abby, Kiana at Zan.


"Tagal mo," sabi ni Sam at niyakap ako, "Pakilala kita sa mga asawa ng Wyorcks," hamagikgik siya at hinila ako papunta sakanila.


"Na-meet mo na sila dati sa welcome party mo, Adi, kaso hindi namin napakilala," sabi ni Liana at nilagok ang shot ng tequila at sumipsip ng lemon.


"Hinay hinay lang Liana!" Sabi ng katataas na si Kin. "Akala ko na sa parking ka pa lang. Galing ako roon," sinamaan naman ako ng tingin ni Kin at dumiretso kay Zan.


"Hindi ko naman alam," tawa ko at hinarap na ang mga asawa ng Wyorcks.


"This is Genea from Rocan Palace," sabi ni Sam at tumawa naman iyong Genea.


"Hi, nice to meet you," ngiti niya at nakipagbeso saakin.


"Nice to meet you, too," ngiti ko rin.


Genea is a petite woman. Her face was real soft like a baby. Napaka-angelic din ng mukha niya at ang hinhin niya gumalaw at magsalita. I wonder how did she met the cold Wyorck with her personality. Or maybe, that Wyorck was the one who crawled over her.


"Kashiana," maarteng sabi ng medyo bata pang babae. "Just a girlfriend," maybe she noticed the shock expression I had.


"Maldita iyan pero kapag makikilala mo, okay na," bulgar na sabi ni Sam at nagsitawahan naman ang ilan. Si Kashiana ay umirap.


"You can call me Kashi if you want," aniya at ngumiti saakin.


One look and you can easily say she's not just a nobody. From the way she wears and talk, you would never dare to mess up with her. Well, I can. But she looks so young for a Wyorck. Or maybe it's just her personality and appearance that made her look young and immature.


"This one is Shekinah," sunod na tumayo ang pangatlo at panghuli.


"No title," she smiled and hugged me. Kumunot ang noo ko. "Not a princess. Just a normal person. A commoner," she laughed.


"Why do you keep on saying that like we're not normal?" Tanong ni Sam na ikinatawa ko. "Now that you're related to Wyrocks, to us, never treat yourself the way others treated you before. Girl, things are not the same anymore, so accept the change,"


Royalty Fixed Marriage           |Wyorck Series #2|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon