Royalty👑20

6.1K 181 39
                                    


Mabilis na lumipas ang panahon. Maraming nangyari. Marami akong nalaman. Sa tingin ko rin ay nakapagpahinga rin ako kahit papaano. Pero ni minsan, walang araw na hindi ko siya inisip. He will always appear in my thoughts and even in my dreams. Sinubukan kong magtanong sa mga manghuhula kung anong ibig sabihin n'on. Aniya'y kami raw sa huli.


Sana totoo.


Narealize ko na sa buhay, normal lang magung malungkot. Normal tumawa at maging masaya. Tanggapin ang mga nangyari na at magpatuloy. Pero hindi ko alam kung normal din bang sumabak sa isang sitwasyon na kahit kailan ay hindi mo naisip na mangyayari?


Ang lakas ng ulan noon. Malakas ang mga kulog at nakakatakot ang kulay ng kidlat na makikita mo sa bintana. Walang tao. Kaming dalawa lang. Mali, tatlo kami. Hindi ko alam kung dapat maari ko bang tawaging achievement 'yon.


"Shit," mura ko nang makita si Lia.


Hindi ko na alam ang gagawin ko! Bakit kasi sa dami ng petsa sa isang buwan, ngayon pa naisipan ni Lia magbigay ng day off sa lahat ng tauhan dito. Dalawa lang kaming naiwan at sa tingin ko ngayon na siya manganganak!


"Adi, ano na?" Sigaw niya habang umiiyak. It must've hurt a lot. Shit, ayaw kong manganak. Fuck, get back to your senses, Alexis Dion!


Nakasandal siya sa headboard at hawak hawak ang tiyan habang hindi mapakali.


"Bakit kasi ngayon mo pa sila pinaalis?" Sinubukan kong tumawag kung kanino pero walang signal. Why? Bakit ang malas ni Lia?


"Just... Just search on the internet! Ikaw... na!" Sumigaw siya. Halatang hirap na hirap na siya.



"Lia..."


"Please?!" Umarko ang katawan niya kaya nagpanic ako.


Nangingig ang mga kamay ko habang nagtitipa kung ano ba ang mga kailangan. "Shit, sandali!"


Bumaba ako ng hagdan at kumuha ng mga gamit. Natapilok pa ako at hindi ko na ininda ang sakit. It was like a battle of life and death. Sunod kong pinasok ang silid ng baby ni Lia at kinuha ang mga kakailanganin niya 'pag labas. Basta kung anong nakuha ko, 'yon na.


Never in my life I imagined to become an obstetrician! Shit, ayaw kong makapatay! Oh, no no. Hindi puwede. Tumulo na ang luha ko habang sinusubukang panuorin ang video habang umuiiri na si Lia. Sinundan ko ang proseso. Nanghihina ako. Sinong hindi manghihina?!


"Shit, Lia!" Sigaw ko nang makita na ang ulo. "Umiri ka pa, shit!" I am panicking!


But I guess, most of the results of ending are beautiful. Siguro nasabi ko noon na ayaw kong manganak o magbuntis. Pero noong makita ko ang bata at mabuhat, nagbago ang pananaw ko. Gusto ko rin maging ina. Gusto ko rin magkaroon ng anak. 'Yong akin.


"Lia," iyak ko dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. "She's so beautiful," I whispered as I covered her with white sheets.


Buti na lang, bumisita ang kapatid ni Lia saamin noon. Nadala sila sa hospital at naibigay ang kanilang mga kailangan. I was so nervous that time. Pero sobrang saya ko. Hindi ko talaga maipaliwanag. I also felt motivated. I felt hopeful. That's the moment I realized that every child is special. They are blessings and a life changing present.


My father died because of a plane crash. He tried to run away, afraid to face his wrong doings. I mourned also. Kahit gaano pa natin kasuklaman ang pamilya natin, sa huli, mananaig parin ang pagmamahal.


Royalty Fixed Marriage           |Wyorck Series #2|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon