Royalty👑29

6.4K 181 16
                                    


Nandito ako sa veranda ng kwarto ko at nakadungaw sa ibaba. Ang daming itim na kotse at mga gwardiya. Sa pulang limousine ay lumabas doon ang mag-inang si Sam at Savior. Hindi naman sila nagsabi na pupunta sila rito sa bahay.


Nagising ako dahil sa sunod sunod na tunog ng kotse. Kagigising ko at mabibigla ako sa dami ng gwardiya na nakatambay sa harap ng mansion namin. Most of them are armed men and wears royal suit.


Bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si Lia sa likod ni Sam at Savior.


"May bisita ka. I'll just prepare snacks," ngiti ni Lia bago kami iniwan dito.


"Grabe, kagigising mo?!' Tanong niya habang naglalakad papunta saakin si Savior. Lumapit ako sakaniya at binuhat siya.


"Hi, big boy!" Hindi ko pinansin ang sinabi ni Sam at pinaupo si Savior sa higaan ko.


"Hi, tita!" He smiled and played with his phone.


Nilipat ko ang tingin ko kay Sam na nakasandal na sa vanity table ko. Nakatingin saakin at nakataas ang kilay.


"What brought you here?" Tanong ko at inayos ang buhok kong magulo. Maliligo muna ako, nakakahiya naman sa ayos na ayos na reyna sa kwarto ko.


"Timothy Drewitt is in the palace," problemadong aniya. "Ano naman kasi ang nakain mo at sa kapatid ka pa niya nagpaharot?"


Kumunot ang noo ko at binato sakaniya ang hawak kong roba. "Hindi ako nagpaharot!"


"Alam mo ba na back to normal nanaman ang security ko? Kahit saan ako pupunta, lahat ng iyan sasama saakin. Nagdidilim ang paningin ko sa'yo," inis na aniya at nahiga sa kama ko. Tinapon niya pabalik saakin ang roba ko at nasalo ko naman.


Hindi na ako umimik dahil kasalanan ko naman talaga. Sa totoo lang ay nahihiya nga ako dahil dinagdagan ko pa ng problema lahat ng taong involve dito. Lalo na kay Zac. Malaking problema 'to para sakaniya.


Hindi ako pinapasok ni Augustus ngayong araw. Sobrang saya ko dahil hindi pala panaginip lang ang nangyari kagabi. Late akong nagising dahil pinipilit kong hindi makatulog. Natatakot lang ako na baka paggising ko ay panaginip lang pala ang lahat. Buti na lang talaga at totoo. Totoong totoo dahil may mga messages si Augustus paggising ko.


Ang saya saya ko na kahit sa pagligo ay dala ko ang matatamis kong ngiti. Naalala ko naman 'yong kagabi. Napa-padyak ako nang wala sa oras dahil sa kilig. Grabe, para akong teenager. Hindi naman ako ganito dati kay Augustus. Tama nga talaga na distance and time makes the love grow.


"Tara sa Royalty M, Adi?" Pagyaya saakin ni Sam habang nakahiga kami sa kama ko. Kming tatlo nila Savior ay walang magawa. Gusto ko sanang ipalaro si Angel Hope kay Savior kaso bawal pala siyang ma stress. On going kasi ang treatment sakaniya. Kaya nga pati ako, hindi gaanong lumalapit muna.


"Sure ka? Dala mo 'yang batalyon mong gwardya?" Natatawang tawa ko at naiinis naman niya akong sinamaan ng tingin.


"This is all your fault," aniya at umupo. Kumuha siya ng brownies at uminom ng gatas. "Hindi naman siguro magiging maitim ang anak ko rito,"


"Oa ka naman," tawa ko at tinignan ang ginagawa ni Savior. Nagbabasa siya ng history. Grabe naman itong batang 'to.


"Labas tayo!" Tumayo na si Sam at mag stretching. Kanina pa kasi kami nandito sa loob. Ayaw niya naman lumabas ng kwarto kaya nagpapadala lang kami ng pagkain dito sa loob.


Royalty Fixed Marriage           |Wyorck Series #2|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon