Royalty👑12

7.3K 237 15
                                    


Augustus became more busy with his works. I don't know a lot about their businesses, but I think they really got a big company and big shares sa Royalty M.


Naiintindihan ko naman siya. He's doing an advance work for our upcoming vacation. He's tiring himself tapos mag-iinarte pa ako. So unfair for him.


"July!" Tawag ko kay Julyus. He is running after those white butterfly.


"Later, tita mommy!" He shouted and continued running. Kapag 'yan nadapa, lagot ako sa nanay n'yan.


Iniwan kasi siya sakin ni Janary. Janary and Augustus are busy euth their works. Hindi nga si Janary ang naghatid kay July dito, e. Just a few bodyguards and armed soldiers.


Kumakain ako ngayon ng graham cake na gawa namin ni July. Naka-upo ako sa daybed dito sa poolside habang pinapanuod si July na tumatakbo at tumatalon talon.


Maya-maya ay lumapit na saakin si July at umakyat dito sa daybed. Uminom siya ng gatas gamit ang dalawang kamay niya.


Julyus is really a handsome young man. He somewhat resembles his uncle's visage, si Augustus. Matangos ang ilong, ang nipis ng labi at may makakapal na kilay. 'Yon ang kakaiba sakanila ni Augustus. Siguro ay sa tatay niya namana ang iba lalo na 'tong blue eyes niya. Ang sarap titigan.


Hindi ko pa kilala ang daddy niya. Nang tinanong ko kasi kung saan ang dadda niya nang nagswimming kami ay umiling lang siya.


"I don't know my daddy, tita mommy. Momma said he loves me," malungkot niyang kwento saakin nang buhatin ko na siya paakyat sa kwarto. Magsisinungaling ako kung sabihin kong magaan siya.


"It's okay. Meron naman ang tito daddy and tita mommy, right?" Malambing kong sabi at hiniga na siya sa kama namin. Inayos ko ang buhok niyang tumatakip sa mukha niya.


"Yes yes!" Aniya saka naupo at sumandal sa headboard. "I wanna watch cartoons, tita mommy. I brought DVDs po," cute niyang inabot saakin ang maliit niyang bag.


"Okay, baby boy,"


Kinuha ko ang pinili niyang movie or series ata, whatever it is. Nahiga na kami at inabot ko ang remote ng ilaw sa side table. Pinadim ko saka nahiga na ako katabi siya. He chuckled and placed his left leg on my tummy. Natawa tuloy ako.


Nakatulog na siya after five minutes of watching. Kaya ang ending ako ang nanuod ng cartoon series na 'yon. Napapaikit na nga rin ako at handa nang matulog nang nag ring ang phone ko.


Augustus is calling.


"Hmm?" Bungad ko nang sinagot 'yon. Napaka wrong timing niya, grabe! "Hello?" wala kasing sumasagot. Puro hininga lang naririnig ko.


"Uhmm... Do you want to go here in my office?" he asked over the phone.


"Huh? Anong gagawin namin d'yan ni July?" takang tanong ko.


"Nand'yan si July?" tanong niya at may mga narinig akong bumati sakan'ya.


Umirap ako. "Ay hindi! Baka ako ang na sa bahay nila," pagtataray ko.


He chuckled and heaved a sigh. "Why are you so grumpy?"


Gumalaw si July kaya tumahimik ako. Hininaan ko na lang ang boses ko.

"Natutulog kami ni July dito," bulong ko saka inayos ang kumot ng bata. Hininaan ko rin ang aircon dahil baka nilalamig siya.


"Wake him up now. Sunduin ko kayo,"


Royalty Fixed Marriage           |Wyorck Series #2|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon