Royalty👑18

6K 191 59
                                    


"Bakit namumugto 'yang mga mata mo?" Pagkagising ko, 'yan agad ang bungad saakin.


Nakapameywang siya habang nakaharap saakin. Nakatayo siya sa dulo ng kama samantalang ako ay nakaupo at nakasandal sa headboard.


"Nanaginip ako kagabi," pagsisinungaling ko. Sana nga panaginip na lang, eh.


'Yong itsura niya hindi naniniwala. Ngumiti ako. Sinubukan kong ngumiti kahit sa totoo ay nanghihina ako. Sobra akong nanghihina. Gusto ko na lang tumigil ang oras. I want to stay with him.


"Ano naman?" Nakakunot ang noo niya, ang hirap lokohin.


"Mom," tipid kong sagot. I felt guilty.


Bumuntong hininga siya, medyo naniwala na kasinungalingan ko. Ngumuso siya at in-offer ang kamay niya sa harap ko. Kumunot ang noo ko dahil d'on.


"Halika na, kain na tayo at aalis na mamaya,"


Kinakabahan ko 'yong kinuha at nanlaki ang mata ko nang hilain niya 'yon na marahas. We're now too close with each other. I can smell his minty breath. Nahiya ang bunganga ko.


"Ganda mo naman," ngumiti siya, nalusaw ako.


"Asawa mo lang 'to," ngiti ko at kumawala na sakan'ya habang siya ay tumatawa.


I did my morning rituals. Naligo na lang din muna ako bago kumain. Habang kumakain ay panay ang tingin ko sa phone niya. Sa phone case niya ko kasi nilagay yung letter. Ang necklace naman ay nasa ilalim ng maleta niya. Nilagay ko sa letter na nasa maleta ang necklace.


Sabay kaming kumain sa balcony at nagkwentuhan din. Hindi ako masaya. Yung pakiramdam ko, parang nahihiwakay ang kaluluwa ko. Nanghihina ako.


Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Pupunta na kami sa isla niya for our last night. Last night.


I am wearing a white off shoulder flowy dress with a spaghetti strap and a bow tie gladiator. Siya naman ay puting longsleeve button down na nakatiklop hanggang siko niya at black maong shorts. Naka brown leader shoes din siya, terno kami.


Hawak niya ang isang kamay ko habang nagmamaneho siya. He's smiling while driving and I was so much hurt seeing him that way. Masaya akong nakikita siyang masaya pero hindi ngayon. Pakiramdam ko, ang sama sama ko.


Narating namin ang isla niya at lumabas na ako roon. The wind blows and my hair swayed as my flowy dress. An arm enveloped my waist and a kissed touched my cheeks.


"I am so in love with you. I hope you know that," his baritome voice filled my ears.


Hirap na hirap akong magpigil ng luha. I was supposed to feel excitement but loneliness is filling me. Mahal na mahal niya ba talaga ako? Puwede bang hindi na lang?


"I... know," I whispered as the wind blows again.


Alam ko, pero mas pinili kong saktan ka. Mas pinili kong iwas ka. Kasi sa tingin ko kailangan.


"Let's go," masaya ang tono niya nang hilain ako papunta sa isang maliit na bahay.


"Dito na muna tayo. I'll show you something before sunset," ngiti niya at ngumiti ako pabalik.


He'll tell me something good before sunset and I'll end the sunset with something hurtful and will surely break our hearts.


Pumasok kami sa maliit na bahay. It looks good, though. Pero wala roon ang isip ko. Tinatangay ang isip ko ng ibang bagay.


Royalty Fixed Marriage           |Wyorck Series #2|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon