Chapter 1: Creed's Wedding

1.7K 43 1
                                    

Creed's  Wedding.

~~~

Van POV

Natawa ako ng makita ang itsura ni Creed habang hinihintay na mag lakad si Rizden papunta sa kanya. Beach wedding ang theme ng kasal ng dalawa. Sakto sa pag lubog ng araw ang kasal nila.

"To'l para kang maiihi sa itsura mo."bulong ko kay Creed. Sinamaan niya lang ako ng tingin kaya natawa kami ni Von at Fin.

"Alam mo na ngayun ang pakiramdam habang hinihintay ang bride mo na lumapit sayo?"tanong ni Fin sa kanya.

"Manahimik kayo mga abnormal."inis na sabi ni Creed kaya natawa kami.

Napapatingin sa amin ang mga bisita dahil sa kakatawa namin.

"So sino na ba sa atin ang susunod na ikakasal?"tanong ko kay Von. Tumingin siya sa akin na may pandidiri sa mukha.

"Ikaw na yun Van, wag mong asahan na dadalo ka sa kasal ko dahil una sa lahat hindi yun mangyayare."sabi niya. Natawa ako.

"Takot ka lang sa commitment."pang aasar ko.

"Sadyang mas masaya lang maging single."gatol niya.

Natawa ako at di ko napigilang mapatingin kay Aphrodite na naka tayo sa gilid kasama nila Clementine, Cleopatra, Leona at Leana.

Napaka ganda niya talaga. She's wearing a white backless dress at may flower crown din siya sa ulo. Napaka simple niya lang pero napaka ganda niyang pag masdan.

Naimagine ko na kaming dalawa yung kinakasal.

Natawa nalang ako sa imagination ko at tumingin sa gawi ni Creed. Mas lalo akong natawa ng makita siyang umiiyak.

"Ang bakla mo dude."sabi ko at natawa. Siniko niya lang ako kaya mas lalo kaming natawa.

"Biruin mong isang Rizden Quatre ang makakapag paamo sa isang Creed Vaughn."sabi ko ng maka harap si Rizden. Natawa siya habang si Creed ay sinamaan lang ako ng tingin.

"Congrats bro."bati ni Fin,habang tinapik  naman siya ni Von sa balikat.
"Itabi mo yang coat mo, magagamit pa yan ni Van."sabi ni Von kaya natawa ako.

"Pag husayan niyo sa pag gawa ng mga pamangkin ko."sabi ko kaya natawa sila. Tinapik ko si Creed sa balikat saka ningitian si Rizden. Nag lakad na kami paupo sa upuan namin at pinanuod ang pag iisang dibdib ng dalawa.

Hindi ko mapigilang mapa tingin ulit sa gawi ni Aphrodite. Napangiti ako ng makitang naiiyak sya dahil sa wedding speech ng dalawa.

"Baka matunaw tol." Bulong ni Von sa akin kaya natawa ako at binaling ang paningin kila Creed at Rizden na nag papalitan ng speech.

"Kailangan ko na din ata mag practice para sa wedding speech namin ni Aphrodite." Bulong ko. Natawa si Von at siniko ako.

"Mag paturo ka kila Fin at Creed."sabi niya kaya natawa kami parehas. Napa tigil kami ng mapag tantong naka tingin lahat sa amin, pati sila Creed at Rizden naka tingin sa amin.

"Sorry na nakaka tawa lang yung speech."sabi ko at nag peace sign. Inirapan ako ni Creed.

"Tanga nakaka iyak kaya yung speech ni Creed."  Napa tingin ako sa gawi ni Leana na kinausap ako sa isip ko. Inirapan niya lang ako kaya napa lunok ako.

"Dinadaldal ako ni Von, ipag patuloy niyo lang."sabi ko kaya nag balik sa dati. Siniko ako ni Von at siniko ko siya.

"Mamaya na tayo mag bromance to'l pag tapos na mag drama si Creed."bulong ko. Bahagya siyang natawa. Itinuon namin ang atensyon namin sa dalawa hanggang sa inanonsyo na ng nag kasal sa kanila na opisyal na silang mag asawa.

Tumayo kami at nag palakpakan.

"Damihan niyo sa pag gawa ng pamangkin ko." Sabi ko dahilan para magtawanan ang lahat. Sinamaan lang ako ng tingin ni Creed pero ningitian ko lang sya.

"Mino-motivate lang kita dude."dagdag ko.

"HAHAHA Van tama na baka masapak ka ni Creed." Natatawang awat sa akin ni Von.

"Oh tara na sa reception. Nakaka gutom kaya manuod ng kasalan"sabi ko.

"Van!" Inis na sabi ni Creed. 

"Oo na oo na kayo na mauna sa reception."sabi ko at bumulong kay Von.

"Required ba talaga na bagalan nila sa pag lalakad pag bagong kasal?"tanong ko.

"Para feel nila."sagot niya. Tumango tango ako saka pinanuod sila Creed at Rizden na mag lakad papunta sa reception. Malapit lang naman dito yung reception.

Napa tingin ako sa gawi ni Aphrodite. Nag uusap sila ni Cleopatra.

"To'l puntahan ko lang si Aphrodite."sabi ko.tumango si Von. Nag lakad ako palapit kay Aphrodite.

"Hi Dite."sabi ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Ayan nanaman tayo sa pamatay na ngiti niya eh.

"Cleopatra puntahan mo kaya don si Von, akitin mo para naman may maging girlfriend na yun."sabi ko kay Cleopatra. Inirapan niya ako.

"Si Aphrodite ang gusto kong maka usap hindi si Von."mataray na sabi niya.

"Napaka taray mo talaga no? May dalaw ka ba nga--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng sampalin nya ako at nag lakad palayo. Napa hawak ako sa pisngi kong sinampal niya saka napa tingin kay Aphrodite na natatawa.

"Pinag lihi ba sa sama ng loob yang kaibigan mo?"tanong ko habang naka tingin sa papalayong si Cleopatra.

"Masama lang ang araw non ngayun."sabi niya. "Ano nga pala ginagawa mo dito? Ba't mo naman iniwan si Von don?"tanong niya habang naka tingin sa gawi ni Von.

"Nag paalam naman ako na pupuntahan kita."sabi ko at napa kamot sa ulo.

"Yayayain sana kita mamaya, may sayawan kasi sa loob mamaya baka gusto mong sumayaw?"tanong ko.

"Sige ba."naka ngiti niyang sabi. Hayst kelan ko ba aaminin sa babaeng ito na gusto ko siya. Ano kaya kung ngayun na? Sure naman ako na gusto din ako nento kase lagi siyang naka ngiti sa akin.

"Aphrodite may sasabihin ako sayo."sabi ko. Ngumiti siya.

"Ano yun?"tanong niya.

"Gusto ki--" hindi natuloy ang sasabihin ko ng biglang kumulay ang kalangitan. Nawala sa akin ang paningin ni Aphrodite, napunta iyon sa itim na kalangitan kung saan pumuputok ang mga fireworks.

"Ang ganda."naka ngiti niyang sabi habang naka tingin sa Fireworks.

"Ang ganda nga."sabi ko habang naka tingin sa kanya. Bad timing naman yang Fireworks na yan.

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure

Blood Sucker (Van Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon