Chapter 15: Von

540 19 0
                                    

Von.

~~~~~

Van POV

Kumatok muna ako sa pinto ng kwarto ng kakambal ko bago pumasok. Agad na bumungad sa akin ang magulo niyang kwarto.

Hinanap ko ang kakambal ko sa kwarto niya ngunit wala siya. Nag lakad ako papunta sa terrace ng kwarto niya at nakitang nandoon siya nakatayo habang naka tingin sa malayo.

Tumabi ako sa kanya at tinignan siya.

"Wag ka na umiyak."sabi ko. Hindi siya kumibo. Unang beses kong makita si Von na umiyak.

"Natatakot ka ba dahil sa sinabi ni papa?"tanong ko. Tumingin siya sa akin at bumuntong hininga.

"May hinihintay ako Van."sabi niya kaya napa tingin ako sa kanya.

"Sino?"tanong ko.

Hindi siya sumagot.

Mukhang may tinatagong lihim ang kakambal ko ah. Ni hindi ko nga alam na may hinihintay siya.

"Sabi ni papa, sa susunod na dalawang buwan ang kasal niyo. At sa araw ng kaarawan natin ipapakilala ang mapapangasawa mo."sabi ko. Ramdam ko ang galit niya. Nakita ko kung paano niya ikuyom ang kamao niya.

"Ayoko pang ikasal Van."paos na sabi niya. Ako ang naaawa sa kakambal ko.

"Hindi pa ko handang matali sa ibang babae."dagdag niya.

"Alam ko kambal ko, pero wala tayong magagawa."sabi ko at huminga ng malalim.

"Ang sinabi ni Papa ay walang makakabali maliban nalang kung bawiin niya."dagdag ko.

"I'm starting to hate dad."lumingon ako sa kanya.

"Hindi niya manlang hinihingi ang opinyon ko."nakita ko kung paano lumandas ang luha niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Wala akong magawa kundi ang yakapin siya. Gusto ko mang mawala ang lungkot na nararamdaman niya pero paano?

Kinabukasan, nagising ako sa kwarto ni Von ng maaga para mag exercise at mag jogging sa labas ng bahay namin. Naka tulog ako sa kwarto niya, tabi kami. Kasi di talaga siya tumitigil sa pag iyak. Yun ang unang beses na makitang ganon si Von.

Sa aming dalawa kasi, ako ang pinaka madrama. Lagi siya yung nasa tabi ko pag nag da-drama ako. Kaya kahapon, talagang nanibago sa kanya.

Lumabas na ako sa bahay. Iniwan kong tulog si Von, marahil ay pagod siya kakaiyak. Nong bumaba ako sa hagdan ay wala namang tao, marahil ay tulog pa silang lahat.

Nag jogging ako sa labas ng bahay namin. Sa mismong village. Gusto ko lang libutin ang village habang wala pang araw. Babalik din ako kaagad sa bahay bago sumikat ang araw.

Sa court ako nag jogging, ako lang mag isa ang gising na. Tahimik ang paligid at malamig ang hangin.

Naupo ako sa gitna ng court ng mapagod ako sa kakatakbo. Ininom ko ang baon kong tubig at nag pahinga.

Naalala ko ang ginawa ko kay Cleopatra kahapon. Ayus lang ba siya? Bigla tuloy akong na guilty.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko naman kasalanan, nagalit lang ako. Siguro dahil sa galit ko kaya ko siya iniwan don mag isa.

Pero mali parin talaga na iniwan ko siya, hayst bwisit naman. Ang hirap maging demonyo na may puso.

"Kuya." Napa lingon ako sa batang nasa gilid ko. Tumingin ako sa paligid para tignan kung may kasama ba siya pero siya lang mag isa.

"May kasama ka ba bata? Asan ang magulang mo?"tanong ko sa batang babae na nasa harap ko na. Naka suot siya ng puting dress at kulutan ang kanyang itim na buhok.

Kayumanggi ang kulay ng kanyang mga mata. Ngumiti siya sa akin at niyakap ako, bagay na kina gulat ko. Niyakap ko siya pabalik. Kumunot ang nuo ko.

Sino ba itong batang ito? Pamangkin ko ba to o ano? Bat niyayakap niya ako?

"Sorry." Natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Cleopatra. Humiwalay ang bata sa akin saka ngumiti. Tinitignan ko lang siya. Boses ba talaga ni Cleopatra ang narinig ko?

"Nawawala ka ba bata? "Tanong ko. Umiling siya at huminga ng malalim.

"Saan ka ba nakatira, samahan na kita."sabi ko.

"Wag na po." Sabi niya at ngumiti saka tumakbo palayo sa akin. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makita kong sumakay siya sa isang itim na sasakyan.

Kumunot ang nuo ko. Bakit narinig ko ang boses ni Cleopatra?

Cleopatra POV

Huminga ako ng malalim saka bumalik sa dati kong anyo. Tumingin ako sa dereksyon ni Van na naka upo parin sa gitna ng court.

"Hindi ko maintindihan kung bakit nandito tayo?" Tumingin ako kay Freddrick na nasa driver's seat. Naka tingin siya sa akin saka tumingin kay Van.

"Bakit iniba mo ang anyo mo para lang malapitan siya?"tanong niya. Tumingin ako kay Van na tumayo at nag simula na namang tumakbo.

"Galit siya sa akin."sagot ko. Lumingon siya sa akin.

"Bakit kailangang daanan pa natin siya?"tanong niya. "Umamin ka nga sakin, may gusto ka ba sa asong bampira na yun?"dagdag niya. Hindi ko siya sinagot. Tinignan ko lang si Van na tumatakbo sa court.

Ngayun alam ko na kung bakit naiingit ako kay Aphrodite. Kung bakit hinihiling ko na sana ako nalang si Aphrodite.

Agad na tumulo ang luha ko.

Naiingit ako kay Aphrodite dahil gusto siya ni Van. Bagay na sana ako nalang ang nagustohan ni Van.

"Punasan mo luha mo." Tinignan ko ang tissue na inabot sa akin ni Freddrick. Tinanggap ko yun at pinunasan ang luha ko.

"Sa palagay ko gusto mo ang asong bampira na yun." Ngumisi siya. "Ang kaso may gusto siyang iba." Umiling iling siya.

"Pag aralan mo nalang mahalin ang magiging asawa mo Cleopatra. Isa din siyang asong bampira, gaya ng lalaking gusto mo."sabi niya.

"Umalis na tayo."malamig kong sabi at muling tumingin sa dereksyon ni Van.

Hanggang sa muli. Van Vaughn.

~~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure

Blood Sucker (Van Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon