Chapter 28: Hit Family Dinner

550 19 1
                                    

Hit Family Dinner.

~~~~

Van POV

Mga hapon na ng kumilos ako para mag ayus para sa Dinner mamaya sa bahay nila Cleopatra. Ito ang araw na mag papanggap ako bilang si Von.

Speaking of Von, kahit galit ako don. Nami-miss ko na ang kupal na yun. Ni hindi manlang nag paalam sakin na mawawala siya. Grabe pakiramdam ko di na talaga kami mag kapatid.

Pag balik non ako talaga ang unang babatok don, makikipag bati na nga ako sa kanya baka na miss niya na din ako.

"What's meron?" Tanong ni Leana ng maka baba ako sa hagdan.

"May Family Dinner kila Cleopatra, mag papanggap akong si Von--"

"ANO?!" Sabay sabay nilang sigaw kaya napa hawak ako sa dibdib ko.

"Ano bang nakaka gulat sa sinabi ko?"iritang tanong ko. Umirap sila sabay sabay.

"Mag papanggap ka bilang si Von?"tanong ni Creed na naka kunot ang nuo.

"Oo, kasi wala si Von at saka inaasahan siya don sa dinner. Isang kahihiyan naman sa pamilya naten kung di pupunta si Von diba?"sabi ko.

"Kami ha, nakaka halata na kami sayo."sabi ni Fin. Kumunot ang nuo ko.

"Nakaka halata saan?"tanong ko.

"Umamin ka nga samin." Napa tingin ako kay Leona.

"You have feelings ba for Cleo?" Tanong ni Leana. Natawa lang ako at di sumagot.

"Aha! So meron nga!" Natatawang sigaw ni Creed at sabay sila ni Fin na humarap kila Leana at Leona.

"Paano ba yan, talo kayo sa pustahan." Naka ngising sabi ni Fin. Masamang tumingin sa akin sila Leana at Leona saka binalik ang tingin kila Fin at Creed.

"Fine! I'll give my 5 Lamborghini and 2 Koenigsegg CCXR Trevita kay Fin." Inis na sabi ni Leana kaya napa nganga ako. Koenigsegg CCXR Trevita!!! Most expensive car yun nangunguna sa listahan tapos ibibigay niya lang kay Fin dahil talo siya sa pustahan?! At talagang pinag pustahan nila ako?!

"Geh sayo na ang 2 Mansory Vivere Bugatti Veyron ko at tatlong Pagani Huayra." Sabi ni Leona kay Creed. Nanlaki ang mga mata ko sa kanilang apat.

"Pinapamigay niyo lang ang mga baby niyo?"tanong ko. Sabay na tumingin sa akin sila Leana at Leona. Sobrang sama ng tingin nila sa akin na para bang pinatay ko ang pamangkin kong si Ozix.

"Umalis ka na magaling naming kapatid, humayo ka't mag pakarami."sabi ni Creed at tinulak pa ko palabas ng pinto. Napa kamot ako sa ulo ko at tumingin sa relo ko.

Ilang minuto nalang pala at mag sisimula na ang dinner, aayusan pa ko ni Cleopatra. Agad akong sumakay sa kotse ko at nag drive papunta sa bahay nila.

Nakarating ako don at agad akong sinalubong ni Cleopatra sa gate.

"Kanina ka pa jan? Sorry late ata ako."sabi ko at napa kamot sa ulo.

"Hindi, kakalabas ko lang."sabi niya. Napa ngiti ako ng makita ang kwintas na binigay ko sa kanya na suot suot niya.

"Tara na ayusan mo na ko?"tanong ko. Umiling siya kaya napakunot ang nuo ko.

"Diba nga mag di-disguise ako bilang si Von?"tanong ko.

"Wag na."sabi niya at hinawakan ang kamay ko dahilan para mapatingin ako don.

"Nasa loob na sila. Nag hihintay."sabi niya at nag simulang mag lakad habang hawak ang kamay ko.

"Late na ba ako masyado?"tanong ko. Umiling siya.

Blood Sucker (Van Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon