Heartache
~~~
Van POV
Napa tingin ako sa hawak kong wine, kanina pa wala sila Von at Cleopatra. Nasaan na ba sila?
Sinundan kaya ni Von si Cleopatra? Teka bakit ko ba tinatanong? Saka ano bang paka alam ko sa kanila?
Napa iling ako at umayus ang upo. Nag tama ang paningin namin ng kapatid ni Cleopatra. Tumaas lang ang kilay ko habang siya ay naka tingin sa akin.
Tinuro niya yung pisngi ko kung saan niya ako sinuntok. Tinignan ko lang siya. Para siyang nang aasar.
"Hindi ko alam kung bakit nanununtok ka nalang bigla."sabi ko sa kanya. Umirap siya saka binaba ang iniinum niya.
"Hindi ko alam kung bakit ang bobo mo."sinamaan ko siya ng tingin. Ngumisi lang siya sa akin.
Sigurado akomg hindi talaga kami mag kakasundo ng kapatid ni Cleopatra. Ngayun palang naiinis na ko sa kanya.
"Ginanti ko lang naman ang kapatid ko sayo."sabi niya kaya nawala ang pagka kunot ng nuo ko.
"Iniwan mo siya mag isa sa restaurant? Nakita ko syang nag lalakad sa daan habang naulan dala dala ang mga binigay mo sa kanya."umiling siya. Natahimik ako.
"Gawain ba ng isang maginoong lalaki ang mang iwan ng isang babae?"tanong niya habang naka tingin sa akin. Hindi ako naka sagot. Na guilty ako lalo sa sinabi niya.
Naligo siya sa ulan?
"Nakalimutan kong sabihin na, nawalan din siya ng malay. Buti nalang at napa daan ako sa gawing yun at nakita siya."sabi niya at huminga ng malalim.
"Hindi ko talaga alam kung anong rason at nagustuhan ka niya."napa titig ako sa sinabi niya. Naka tingin na siya ngayun sa pagkain niya.
Tumingin siya sa akin ulit saka tinignan ng masama.
"Siya na nga ang biktima, siya pa ang humingi ng tawad."kumunot ang nuo ko sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko.
Tumingin siya sa akin na may ngisi sa labi at umaktong walang alam.
Bigla kong naalala yung bata sa court, narinig ko ang boses ni Cleopatra nong nag sabi siya ng sorry.
Posibleng si Cleopatra yun. Kaya niya mag palit ng anyo at mang gaya ng nilalang. Naikuyom ko ang kamao ko sa konsensya na nararamdaman ko.
Napaka sama ko naman pala masyado kay Cleopatra. Tumayo ako at nag paalam kila Fin na may pupuntahan lang.
Hahanapin ko si Cleopatra para maka hingi ako ng sorry sa kanya.
Paliko na sana ako ng makita ko sila Von at Aphrodite. Inaalalayan ni Von si Aphrodite at palabas sila ng bahay. Kumunot ang nuo ko at sinundan sila ng palihim. Napadpad kami sa likod ng bahay. Ilang metro ang layo ko sa kanila. Pinagana ko ang malakas kong pandinig para malaman kung ano ang pinag uusapan nila.
"Von... Bakit kasi ayaw mo sakin."
Kumunot ang nuo ko sa tinanong ni Aphrodite.
"Von ako nalang wag na si Cleopatra."
"Lasing ka na Aphrodite."
"Von mahal na mahal kita." Natigilan ako sa sinabi ni Aphrodite.
Nanatili ang paningin ko sa kanilang dalawa.
Si Von, ang lalaking gusto ni Aphrodite?
Ang kakambal ko?"Von, tayo nalang kasi..." Nagulat ako ng yakapin niya si Von.
Nasasaktan na ko sa mga nakita at nalaman ko.
Gusto ni Aphrodite ang kakambal ko. Kaya ba ayaw niya sakin dahil kay Von?
BINABASA MO ANG
Blood Sucker (Van Floyd Vaughn)
WerewolfVaughn Series 3 VAN FLOYD VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half Werewolf, meet Van Floyd Vaughn ang pinaka maloko sa mag kakapatid na Vaughn. He loves Aphrodite so much but hindi niya lubos akalain na matututunan niya ding mahalin ang isang babaeng ma...