Chapter 18: Arrange Marriage

587 19 3
                                    

Arrange Marriage

~~~~

Van POV

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano? Si Cleopatra ang mapapangasawa ni Von? Nanatili ang tingin ko kay Cleopatra na naka tingin lang din sa pagkain niya.

Nandito kami ngayun sa mesa namin. lahat kaming mag kakapatid ay naririto at nagulat din sila ng malaman na si Cleopatra ang mapapangasawa ni Von.

Kasama namin sa mesa ang pamilya ni Cleopatra. Siya, ang Kuya niya at ang mama't papa niya.

"Van, nasabi mo na ba kay Von kung kelan ang kasal nila?" Napatingin ang lahat sa akin maliban kay Cleopatra. Nawala ang atensyon ko kay Cleopatra. Tumingin ako kay papa at tumango tango.

"That's good."sabi ni Papa at nag kwentohan sila ng papa ni Cleopatra. Muli kong binalik ang paningin ko kay Cleopatra. Nakita ko kung paano siya bumuntong hininga.

"Lalabas lang ako."malamig na sabi ni Cleopatra at hindi na hinintay ang sasabihin ng magulang niya. Umalis na siya sa upuan niya. Napa lunok ako at napa inom ng wine.

Hindi parin ako maka paniwala na sya ang mapapangasawa ni Von.

"Mag babanyo lang ako."bulong sa akin ni Von. Tumango ako at nilagay ang atensyon ko kila Fin at Creed na halatang di din makapaniwala.

"Ba't ganyan itsura mo Van?"tanong ni Leona sa akin. Lumingon ako sa kanya.

"What?"tanong ko.

"Para kang pinag bagsakan ng langit at lupa."sabi niya. Inirapan ko lang siya.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? May parte sa akin ang nasaktan nong nalaman kong si Cleopatra ang mapapangasawa ni Von. Hindi kaya dahil naawa ako kay Von? Sabagay. Nakaka awa nga naman talaga ang kambal ko.

Cleopatra POV

Isinandal ko ang dalawang braso ko sa gilid ng terrace at dinama ang malamig na hangin.

Hindi mapakali ang puso ko kanina pa lalo na ng makita ko si Van. Hindi ko alam kung ano ang iaakto ko sa harap niya kanina ng kumakain kami sa iisang Hapag.

Lalo namang mas nailang ako ng malaman ko na si Von ang mapapangasawa ko.
Dismayado ako. Oo, sobra. Ngunit hindi ko alam kung bakit.

Buong akala ko kasi ay si Van ang ipapakasal sa akin. Ng malaman ko na isa sa kambal nalalaki ng Vaughn ang magiging asawa ko, nabuhayan ako ng loob at lumakas ang pananalig ko na sana si Van ang ipinag kasundo para sa akin.

Pero mali pala.

"Ayaw mo rin maikasal tama ba?"napa lingon ako sa nag salita. Si Von. Lumapit siya sa akin at tumabi sa tabi ko.

"Ayokong ikasal."deretsang sabi niya.

"Same feels."sabi ko. Natawa siya.

"Akala ko ibang babae ang ipinag kasundo sa akin ni papa. Buti nalang at close kita kaya hindi ako ma iilang."sabi niya.

Hindi ako sumagot.

"Anong plano mo?"tanong niya. Tumingin ako sa kanya.

"Kailangan ba ng plano?"tanong ko.

"Look, ayokong maikasal dahil may hinihintay ako."

"Ayoko din naman maikasal dahil hindi ikaw ang gusto ko."deretsang sabi ko.

"Alam ko."naka ngiting sabi nya.

"Gusto mo ang kakambal ko tama ba."natigilan ako sa tanong nya. Lumingon ako sa kanya.

Blood Sucker (Van Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon