Pearl Ring
~~~~~
Van POV
"Hoy Cleopatra joke lang eh."sabi ko habang hinahabol siya. Nag teleport ako papunta sa harap niya saka niyakap siya.
Natawa pa ako ng marinig ko siyang mag mura.
"Grabe ganyan ka pala kiligin, nag mumura."sabi ko.
"Tigilan mo ko."sabi niya. Kumalas ako sa pagkaka yakap ko sa kanya saka tinitigan siya.
"May ibibigay ako."sabi ko.
"Ayusin mo lang Van, pag yan parte na naman ng kalokohan mo masasapak na kita."sabi niya kaya natawa ako.
"Grabe, parang sinasabi mo naman na lahat ng ginagawa ko ay puro kalokohan."sabi ko.
"Bakit, hindi ba?"tanong niya.
"Nye nye."sabi ko at nilabas ang singsing na binigay sa akin ni Xanth.
"Oh."sabi ko at nilahad sa kanya.
"Napaka romantic ng pamamaraan ng pag bigay mo ah, damang dama ko ang pag mamahal mo." Sarkastikong sabi niya.
"Ay saglet."sabi ko at lumuhod sa harap niya. Nanlaki ang mga mata niya.
"Cleopatra, Will you marry me?"tanong ko.
"Tumayo ka nga jan!" Nahihiya nyang sabi habang naka tingin sa paligid.
Tumayo ako at inirapan siya.
"Grabe, sabi mo gusto mo ng romantic na pamamaraan ng pag bigay ko sayo, ngayun naman pinapatayo mo ko, ang hakdog mo." Sinamaan niya ako ng tingin saka nilahad ang kamay niya.
"Isuot mo na."sabi niya kaya napa ngiti ako at isinuot yun sa ring finger niya.
"Grabe pakiramdam ko dala dala mo ang buhay ko."sabi ko habang naka tingin sa daliri niya kung saan ko isinuot ang singsing.
Pinag masdan niya din iyon at halatang na mangha siya sa nakita niya, marahil nakita niya ang iba't ibang lengguwahe ng "Mahal kita"
"Van." Tumingin ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang mangiyak ngiyak siya habang naka ngiti.
"A-ayus ka lang? Ba't ka na iiyak?---" hindi ko napag patuloy ang sasabihin ko ng halikan niya ako. Saglit lang yun pero ang lakas ng epekto sa akin.
Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Kaya niyakap ko din siya.
"I love you." Bulong niya.
"Gagi shet kinikilig ako."sabi ko. Hinampas niya ang pwet ko dahilan para matawa ako.
"I love you too, Cleopatra."seryoso kong sabi habang naka ngiti.
DUMAAN ang ilang lingo at ayus naman ang pananatili namin ni Cleopatra dito sa Bermuda Triangle, ang dami na din namin naging kaibigan at naging Close ko na din yung si Xanth.
Dumating din dito si Leana nong gabi na tinawagan ko siya. Sus LQ pa silang mag Jowa parang mga bata.
Kami naman ni Cleopatra, sinusulit namin ang bawat oras dito. Limang araw mula ngayun ay uuwi na kasi kami, tapos kinabukasan non ay kasal na namin. Excited na ko gagi!
Habang tumatagal mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko kay Cleopatra, ibang klase siyang babae.
Napaka solid niya kasama, yung tipong lahat ng trip mo ay sasakyan niya. Kaso minsan pag tinoyo siya mapapa mura ka nalang talaga."Van,Van." Napatingin ako sa kanya, papalapit siya sa akin at may hawak na Wine.
"Oh?"tanong ko. Ibinigay niya sa akin ang isang baso na may Wine saka tinuro yung isang serena sa dagat na naka tingin sa gawi namin.
BINABASA MO ANG
Blood Sucker (Van Floyd Vaughn)
WerewolfVaughn Series 3 VAN FLOYD VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half Werewolf, meet Van Floyd Vaughn ang pinaka maloko sa mag kakapatid na Vaughn. He loves Aphrodite so much but hindi niya lubos akalain na matututunan niya ding mahalin ang isang babaeng ma...