Flerio Ozix Vaughn.
~~~~~
Van POV
"Bilisan niyo!" Natatarantang sigaw ni Fin habang inaalalayan ang asawa niya pababa ng hagdan.
"WHERE THE HELL IS THE KEY?!"sigaw ni Leana na natataranta na din.
"Nasa loob na ng kotse ang gamit ni Clementine." Sabi ni Von na kakapasok lang galing sa labas.
"I found the key!"napa lingon kaming lahat kay Creed na may hawak ng susi.
"Bobo susi ng Lamborghini ko yan."sabi ko at muling nag hanap.
"Isakay niyo na siya sa kotse ko, mauna na kami sa hospital." Sabi ni Cleopatra kaya napa tingin kami sa kanya.
"What?"tanong ni Fin na namumula.
"Doon na ko sasakay kay Cleopatra bilisan mo Fin aray!" Sigaw ni Clementine kaya lalong nataranta si Fin. Lumabas na sila ng bahay habang kami ay naiwan para hanapin ang susi ng sasakyan ni Fin.
"Deputa madami naman tayong kotse bakit sa kotse pa ni Fin?"tanong ni Leona.
"Ewan ko sino ba nag isip na sa kotse ni Fin?" Tanong ni Creed na nag hahanap din.
"Guys?" Napa tingin kami kay Rizden.
"Manganganak ka na din?"tarantang tanong ni Creed. Binato siya ni Leona ng pamunas ng alikabok.
"Boba, mukha bang malaki na ang tyan ng asawa mo."sabi ni Leona at inirapan si Creed.
"Pinapabigay ni Fin."sabi ni Rizden kaya napa tingin kami sa hawak niya. Halos manlaki ang mga mata namin ng makita ang susi ng sasakyan ni Fin.
"Abnormal! Tignan mo, hanap tayo ng hanap nasa may ari lang pala." Inis na sabi ni Creed at kinuha ang susi sa kamay ng asawa.
"Kami na ang mag mamaneho sa sasakyan ni Fin, Von, Van at Leona don kayo sa kotse ko."sabi ni Creed kaya nanlaki ang mga mata ko. Makakasama ko sa iisang sasakyan si Von?! No way!
"Ayoko, doon nalang ako sa inyo."sabi ko at nag madali papunta sa kotse ni Fin. Nakita ko na iiling iling si Creed habang palabas ng bahay. Agad akomg sumakay sa likod ng kotse ni Fin saka sinarado ang pinto.
"Napaka immature niyong dalawang mag kambal."sabi ni Creed na kakapasok lang sa kotse. Katabi niya ang asawa nya.
"Siya lang yun."sabi ko at tumingin sa bintana. Nakita kong papalabas na yung tatlo. Agad na pinaandar ni Creed ang sasakyan paalis.
"Gago, tatawanan ko talaga si Fin pag nahimatay."sabi ko natawa kami sa sinabi ko.
"Nakita mo ba yung itsura ni Fin kanina? Para siyang natatae." Natatawang sabi ni Creed kaya mas lalo kaming humagalpak ng tawa.
"Pulado mukha nya tas di niya alam gagawin sa asawa niya." Sabi ko at natawa.
"Kanina, nakita ko si Fin sa kwarto nilang mag asawa naka yuko siya sa baba ni Clementine tas sabi 'Ere mahal ko ako na mag lalabas ng anak natin.' " mas lalo kaming natawa sa sinabi ni Rizden.
"Ang mukong mamaya talaga pag dating sa hospital tatawa ako ng malakas." Sabi ko. Natawa nanaman kami ng maalala namin ang itsura ni Fin kanina.
"Gagi, ang plastik naten, pinag uusapan natin si Fin HAHAHAHAHA." Humagalpak kami ng tawa sa sinabi ni Creed.
Ilang minuto lang ay narating na namin ang hospital kung saan manganganak si Clementine.
Umayos kami, at kunwari ay nag aalala hahang papalapit kay Fin na nasa labas ng delivery room kasama si Cleopatra. Kinagat ko ang labi ko ng makitang hindi mapakali si Fin. Pulado ang mukha at pinag papawisan.
"Kamusta daw?"tanong agad ni Creed. Pinigilan ko ang tawa ko ng makita ang itsura ni Creed na kunwari ay nag aalala.
"N-nanganganak na."utal na sabi ni Fin. Nagka tinginan kaming dalawa ni Creed at di napigilan na matawa.
Sinamaan kami ni Fin ng tingin saka napa tingin sa likod namin. Tumigil kami sa kakatawa ng makitang dumating na sila Leana at Leona kasama sila Von at Aphrodite. Tumingin ako kay Aphrodite, umiwas siya ng tingin. Tumingin din ako kay Von. Wala siyang emosyon sa mukha.
Nag punta na lang ako sa tabi ni Cleopatra na naka upo sa gilid.
"Bad trip." Bulong ko. Napatingin sa akin si Cleopatra.
"Selos ka?"tanong ni Cleopatra. Tumingin ako sa kanya.
"Hindi ah." Sagot ko at huminga ng malalim.
"Nasaktan lang ako kase naalala ko nanaman yung pag halik ni Aphrodite kay Von."sabi ko.
"Ano naman yang hawak mo Leana?" Napa tingin kami kay Leana na may hawak na naka rolyong papel.
"A banner, gusto kong i cheer si Clementine habang nanganganak siya." Sagot ni Leana at binuksan ang hawak niya. Humagalpak kami sa tawa ng makita ang naka sulat don
'Go sissy! Ere pa! Push!'
"Ang weird ng kapatid mo."bulong ni Cleopatra na natatawa. Natigil ako ng makitang natawa siya. Parang ito ang unang beses na makita ko siyang tumawa.
Natigilan siya sa pag tawa ng mapag tantong nakatingin ako sa kanya. Bumalik ang walang emosyong Cleopatra at inirapan ako. Napa ngiti ako.
Gagi ang cute nya tumawa.
"Why you guys are laughing? Palibhasa hindi nyo alam ang sakit na nararanasan ng nanganganak."sabi ni Leana at nag lakad palapit sa pinto ng delivery room at itinaas sa katabing bintana ang banner na hawak niya.
"Go Clementine! Just do some ere and push for the baby!" Natawa kami ng icheer ni Leana si Clementine. Buong lobby ng hospital ay napuno ng tawanan maliban kay Fin na napipikon na at namumula parin.
Maya maya pa ay lumabas na ang isang doktor mula sa loob ng delivery room, may unting mantsa ng dugo ang suot niya.
Tumingin siya sa amin.
"Mr Vaughn?"
"Yes?" Sabay sabay naming tanong.
"I mean, yung asawa lang po ni ma'am." Natatawang sabi ng doktor.
"Sabi mo kasi Mr Vaughn eh lahat naman kami dito Vaughn."sabi ko at tumingin kay Cleopatra.
"Maliban sayo."bulong ko. Lumingon siya sa akin."Magiging Vaughn din ako. Soon."sabi niya kaya natahimik ako. Bigla kong naalala na ikakasal siya sa kambal ko.
Natahimik ako ng maalala ko din ang sinabi niya sa akin kanina sa likod ng bahay namin.
Kung ganon totoong may gusto siya sa akin? Pero mag papakasal siya kay Von? Kalokohan.
"Ayus na po si Mrs Vaughn at Ang baby niyo. It's a boy." Naka ngiting sabi ng doktor. Napangiti kami sa sinabi nito.
"Fin! Hala gago!" Napa tingin kami kay Von ng sumigaw siya. Napa tayo ako ng makitang walang malay si Fin habang salo salo ni Von.
"Gago, HAHAHAHAHAHA." Di na namin napigilan ni Creed ang matawa. Gaya ng inaakala namin. Nawalan nga ng malay si Fin. Inalalayan si Fin ng ilang nurse para dalhin sa kabilang room. Habang kami ay pumasok sa loob. Nakita namin si Clementine na hawak hawak ang cute at mataba niyang baby boy.
"Hi, Congratulations. ayus ka na ba?"tanong ni Leana kay Clementine. Tumango si Clementine at parang may hinahanap sa amin.
"Si Fin?"tanong niya. Hindi ko napigilang matawa ng maalala kung paano mawalan ng malay si Fin.
"Nandon sa kabilang kwarto, nawalan ng malay." Natatawang sagot ni Von.
Natawa si Clementine at tinignan ang baby niya.
"Anong pangalan niya?"tanong ni Leona.
Ngumiti si Clementine.
"Flerio Ozix Vaughn." Naka ngiting sagot ni Clementine.
"Grabe, pangalan palang yayamanin na."sabi ko. Natawa sila.
"Welcome to Vaughn Family baby Ozix." Naka ngiting sabi ni Leana habang naka hawak sa kamay nong baby.
~~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure
BINABASA MO ANG
Blood Sucker (Van Floyd Vaughn)
WerewolfVaughn Series 3 VAN FLOYD VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half Werewolf, meet Van Floyd Vaughn ang pinaka maloko sa mag kakapatid na Vaughn. He loves Aphrodite so much but hindi niya lubos akalain na matututunan niya ding mahalin ang isang babaeng ma...