Mermaids prince.
~~~~
Van POV
Maingay na paligid at puro kakaibang nilalang ang invited dito sa party ng mga serena.
Dinaos ito sa dalampasigan, nasa malalaking bato ay nakaupo ang ilang mga serano, mga lalaki at babae. Grabe, para silang mga Dyosa at Dyos dahil sa kanilang mga wangis."Naiisip ko kung tumatanda ba ang mga serena?"tanong ko kay Cleopatra, katabi ko siya.
"Siguro? Bakit hindi mo tanongin?"tanong niya at uminom ng wine.
"Nakakatakot sila kausapin."sabi ko. "May mga sarili silang salita na hindi ko maintindihan, mamaya minumura na pala nila ako eh."dagdag ko.
"Tignan mo ang mga buntot nila."sabi ko habang naka tingin sa isang babaeng serena.
"Grabe, ang ganda ng buntot nila, paano kaya sila nakaka ihi?"tanong ko. Tila nabilaukan naman si Cleopatra sa tanong ko kaya napa tingin ako sa kanya. Tumawa siya ng malakas kaya napa kamot ako sa ulo ko.
"Anong nakakatawa? Curious lang ako."sabi ko.
"Sabi ko naman kasi sayo, mag tanong ka sa kanila."sabi niya at inakbayan ako. Shet kinikilig ako.
"Mukha naman silang mababait tignan mo yun."sabi niya at tinuro ang isang lalaking serena na naka ngiti, gwapo ito at may perpektong kulay ng buntot.
"Pinag papalit mo na ba ako sa isang serena?"tanong ko. Tumingin siya sa akin.
"Gusto mo ba?"taas kilay niyang tanong.
"Papayag ka ba?"tanong ko.
"Depende, gwapo naman yung--"
"Humanda sakin yang serena na yan, lukunurin ko yan."pag babanta ko.
"Grabe, naka limutan mo na ata na Sa tubig nabubuhay ang mga serena."sabi niya. Inirapan ko lang siya.
"Eh di don ka na sa isdang malansa na may buntot na maganda."bulong ko, sakto lang para marinig niya.
Natawa siya kaya mas lalo akong nainis. Grabe, pinag tatawanan niya nalang ako ngayun.
"Hindi kayo bagay, hindi marunong lumangoy ang mga aso."sabi ko. Mas lalo siyang natawa sa sinani ko.
"Ano bang nakakatawa?"tanong ko.
"Oy Van." Napa tingin ako sa tumawag sakin si Franco, kasama ang asawa niya.
"Oy zup."sabi ko.
"Mukhang nag eenjoy kayo ah."sabi ng asawa niya. Natawa ako ng mahina.
"Oo, lalo na tong kasama ko, enjoy na enjoy na asarin ako."sabi ko at tinignan ng masama si Cleopatra. Ningitian niya lang ako bagay na nag paulan ng mga puso sa paningin ko. Grabe nakaka ulol ang ngiti niya.
"Halika ipapakilala ko kayo sa kaibigan ko."sabi ni Franco. Sumunod kami sa kanya para naman malibot namin tong party.
"Grabe, totoong mga perlas ba to?"tanong ko kay Cleopatra habang naka tingin sa mga dekorasyon sa paligid. Puro kasi yun perlas na may iba't ibang kulay.
"Gusto mo kumuha tayo tas isangla natin pag balik natin sa atin?"bulong niya. Natawa ako at inakbayan siya.
"Grabe, utak criminal ka na din."sabi ko.
"Curious lang din ako kagaya mo."sabi niya at humawak sa bewang ko.
"Kinikilig ako."sabi ko. Natawa siya.
Tumigil kami sa harap ng isang malaking bato na naka tayo sa gilid ng pangpang. May naka upo dong lalaking serena na may mga perlas sa ulo, hanggang balikat ang kulay dilaw niyang buhok, kitang kita ang jawline niya at ang pointed nose niya talaga namang bagay sa kanya, kulay dagat ang mga mata niya at sobrang pink ng labi niya, yung totoo. Lalaki ba to o babae?
BINABASA MO ANG
Blood Sucker (Van Floyd Vaughn)
WerewolfVaughn Series 3 VAN FLOYD VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half Werewolf, meet Van Floyd Vaughn ang pinaka maloko sa mag kakapatid na Vaughn. He loves Aphrodite so much but hindi niya lubos akalain na matututunan niya ding mahalin ang isang babaeng ma...