FIRST DAY IN HELL
"Arthria Camilla Alcazar" pakilala ko sa harap ng mga magiging kaklase ko. Itinuro sa akin ng guro ang upuan kung saan dapat ako uupo. Ngiti at inggit lang ang tanging nakikita ko sa mga mukha ng mga kaklase ko ngunit hindi na ako nag-atubiling magpakita ng anumang emosyon.
Narito lamang ako sa isang dahilan. At ang dahilan na iyon ang tanging gusto ko sa huli na makamtan. Hindi ko kakailanganin ng dagdag sagabal sa gusto kong makamtan.
Minsan na akong tumigil sa pag-aaral at isang buwan na akong huli sa klase. Medyo may kamahalan kasi ang tuition dito kaya kailangan ko pang mag-ipon ng konti para lang makapasok dito. Scholar naman ako kaso kakailanganin pa ng paunang bayad para makapasok.
Lumipas ang oras at pananghalian na. Tiningnan ko ang skedyul na ibinigay sa akin. Sa umaga ay ang mga ordinaryong aralin na kailangan kong atupagin at sa hapon naman ay ang pagpapataas ng rango. Sa unang rinig ay hindi niyo talaga maiintindihan ang patakaran ng skwelahang ito ngunit kalaunan ay malalaman niyo kung bakit kailangan gawin ang mga bagay na hindi ordinary sa isang paaralan.
Bilang baguhan kailangan kong makahabol sa mga kaklase ko o higitan ang mga ito. Balak ko itong tapusin ngayong araw. Nagbihis ako sa unipormeng bigay ng skwelahan at itinali nang mahigpit ang aking buhok. Medyo huli pa nga ata ako na makakapasok dahil sa kabagalan ko.
Niligpit ko ang ang damit na ginamit ko kanina at nilagay sa locker. 0007. I am that low. May kanya-kanyang numero ang mga studyante rito. Bawat numero ay nagrerepresenta bilang puntos mo. Kailangan ko lang makabanga ng isang higher rank at talunin siya sa isang duelo upang maiiangat ang puntos ko.
Syempre hindi lang ako naging scholar dahil sa talino ko, sinusukat din nila ang abilidad ng isang tao.
"Arthria Camilla Alcazar" sabi ko sa bantay ng rank stadium tsaka lang nag-scan ang scanner kung may armas akong dala. Samut-saring bulungan ang narinig ko pagpasok ko pero hindi ko sila pinansin. Umupo ako sa isang gilid at nagmasid. Syempre hindi ako dapat magpadalos-dalos.
Sa isang oras kong pagmamasid sa mga tao sa stadium wala akong mahanap na sa tingin ko makakabenepisyo ako. Napabuga akong ng hangin. Sa kabilang banda ng kinauupuan ko ay may nakaupo ring lalaki na nakatingin lang rin sa mga studyante.
Dahil sa kabagutan ay napagdesisyunan kong lumabas nalang at ipagpaliban nalang muna ang pagpapataas ng rango. Pababa na ako ng biglang may naramdaman akong bato papunta sa dereksyon ko. Kalmado ko itong iniwasan at nagkunwaring inaayos ang sintas ko. Ayoko sa lahat ang atensyon.
"Hoy! Ikaw dyan!" napatingin ako sa harap ko. Isang lalaking medyo mataba at may katangakaran, suot niya ang parehong uniporme na suot ko ngunit may asul na guhit. Napangisi ako, kung sinuswerte ka nga naman. Kung hindi ako nagkakamali, isa siya sa Rank 10. Napakunot ang noo ko nang dumura siya sa harap ko.
"I challenge you!" mataas niyang sabi. I tapped my watch and set it to 3 mins. Naglakad kami patungo sa Royale. Nakakuha kami ng maraming atensyon marahil isa siya sa top 10. Nagyabang pa nga ang loko bago tumingin sa akin.
"Tatlong minuto! Ganoon kabilis kitang tatalunin lampa!" ngisi pa niya. kung iisipin napakalugi niya kung lalabanan niya ang isang tulad ko na pitong puntos lang and madadagdag sa kanya kapag nanalo siya. Kung ako naman ang mananalo, makakakuha ako ng posisyon sa Rank 10.
"Hindi ako lampa."
"Stagename please" pagkonpirma ng scanner. Sila ang magsisilbing referee sa bawat laban sa Royale. May mga camera kasi kahit saan para mamonitor ang bawat galaw ng mga studyante.
"Rowther" sabi niya. Hindi ko pa nasasabi ang pangalan ko ay pinindot na niya ang start button. Napa-iling nalang ako.
"Hindi mo na kailangan magpakilala dahil tatalunin naman kita!" tawa niya pa. Nagstart na ang countdown ang naghiyawan na ang lahat para sa kanya.
"3!" hinawi ko ang manggas ko at nag antay hanggang sa magsimula na ang laban. "2!" humikab ako at pinindot ang relo ko sa eksaktong oras. "1!"
"Tatlong minuto. May tatlong minuto ka para patumbahin ako. Kung hindi mo iyon magawa aalis ka sa skwelahang ito." Madalang kong salita sa kanya.
"Tsk! Oo ba tutal matatalo ka lang din naman!" tawa pa niya. Humakbang siya paabante para umatake.
Looking down on people is not good.
YOU ARE READING
Avenge of the Fallen
ActionEverything happens for a reason. A girl who disobeyed her mission and haunted by her ex-colleagues. She sets another goal to prevent losing someone. She know someone is watching her. She knew he was protecting her. But will she accomplish her goal...