Chapter 3 (Family or Friend?)

24 6 0
                                    

Valerina Stacey's POV

Pag-uwi ko sa mansion ay wala pa rin sina Mom and Dad kaya nagpasya na 'ko na dumiretso sa kwarto, pero sa kamalas-malasan nakasalubong ko pa ang ate ko—si ate Dasheca Zin.

'Meet ate Dasheca Zin, wala akong mabigay na description, basta ate ko siya, tapos.'

"Oh, bakit ngayon ka lang umuwi?" mataray na tanong niya.

"May group project lang." palusot ko.

"Parang masyado namang maaga 'yang group project mo. You know what? If Dad would know that you went home late, you're dead." pananakot niya pa.

"Hindi naman malalaman ni Dad kung walang magsusumbong."
matapang na sabi ko at dumiretso  sa kwarto ko para maligo.

~•~•~•~•~•~

*Kinabukasan

Nang bumaba ako para kumain sa kusina ay mukha agad ni tito Allan ang sumalubong sa 'kin.

"Oh tito, napabisita kayo?" tanong ko sa kanya at nagmano.

"Ah, wala lang, may dinaanan kasi ako na malapit dito kaya naisip kong daanan ka at ihatid ka sa school mo." sabi niya.

"Talaga tito? Ihahatid mo 'ko?" masayang sabi ko.

"Oo naman, kaya dalian mo na at kumain." sabi niya kaya dali-dali na 'kong kumain, nakakahiya naman kasi kung paghintayin ko pa si tito.

Nang matapos akong kumain ay agad na 'kong dumiretso sa kotse ni tito.

"Valerina, balita ko 'di ka na naman raw kumain kagabi." sabi ni tito habang nagmamaneho.

"Ah, kasi tito..... Secret lang natin 'to ah." sabi ko at lumapit sa tainga niya para bumulong.

"Sige lang. Ano ba 'yon?" tanong niya.

"Pumunta po kasi kami ng mga kaibigan ko sa Intramuros at kumain din po kami roon kaya nabusog ako." sabi ko ngunit hindi nagsalita si tito kaya kinabahan ako na baka galit siya.

"T-tito, galit ka ba?" tanong ko.

"Bakit naman ako magagalit? Natutuwa nga 'ko at nasubukan mong pumunta sa Intramuros. Akala ko gra-graduate ka nang hindi napupuntahan ang lugar na 'yon eh." sabi ni tito dahilan para makahinga ako nang maluwag.

"Akala ko nga rin po eh." tanging sabi ko dahil nasa school na kami.

"Mag-iingat ka lagi, Valerina. Huwag mong papabayaan ang sarili mo at huwag kang basta-basta magtitiwala sa mga taong nakaligid sa 'yo." bilin ni tito Allan habang nakahawak sa dalawang kamay ko kasabay nang pagbilis ng pintig ng puso ko.

'May iba sa tono ng pananalita niya....'

"Tito...." tanging usal ko.

"Mahal kita, Valerina at mahal na mahal ka rin ng papa mo, mag-iingat ka lagi." walang emosyong sabi niya kasabay nang pag-alis niya.

Pagkarating ko sa room ay si Jade pa lamang ang nandoon kaya pagbaba ko ng bag ay lumabas muna 'ko saglit at pumunta sa bleacher at hindi ko namalayang nakasunod pala si Jade sa 'kin.

"Grabe si Lorraine, 'no? Akala mo ang tapang-tapang." biglang sabi ni Jade dahilan para mapakunot ang noo ko.

"H-ha? Bakit naman?" takang tanong ko.

"Akala mo, wala lang sa kanya 'yong pinalabas siya, tuwang-tuwa pa nga. Kababaeng tao, walang pakialam sa pag-aaral." sabi niya pa at umirap dahilan para matigilan ako.

What Friends Are For (Travis Series #1)Where stories live. Discover now