Prologue

63 2 0
                                    

Love, Love. 2020


"What do you want to be when you grow up?"

Nagmumura sa laki ng sulat sa blackboard ang title ng essay namin para sa araw na to.

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Pano kung wala? Nakakapressure naman.

Luminga-linga ako sa paligid at nakita ang mga kaklase kong panay ang sulat. Mukhang lahat sila ay may pangarap na paglaki nila.

Ako, hindi ko pa alam. Kahit ilang beses nang tinanong yan sa akin, hindi ko talaga alam. Kahit every year na yata naming isinulat ito sa essay, wala pa rin akong matinong maisagot. Basta kapag mabilisan na, isinasagot ko na lang ay doktor. Narinig ko kasing mataas na pangarap daw yun. Hindi ko naman alam ang ibig sabihin.

Wala pa, eh. Ayoko pang magtrabaho. Grade 5 pa lang naman ako. Gusto ko lang muna maglaro ng barbie at palitan sya ng damit araw-araw.

"Bakit hindi ka pa nagsusulat? Isusumbong kita kay teacher." banta ng sipsip kong kaklase

Wala akong magawa kundi irapan lang sya. Ang panget mo, Lisa!

Nilingon ko ang teacher naming hindi naman kami binabantayan kahit pa sinabi niya iyon kanina. Busy lang siya sa pagchecheck ng kung anuman.

Hmp. Sa lahat talaga ng profession, iyan ang hinding hindi ko papangarapin. Palaging busy, palaging mag-aaral, at palaging nakatayo sa unahan. Higit sa lahat, dinidikitan ng mga sipsip kagaya nitong si Lisa na may kuto naman.

"Teacher Love, how do we spell dolphin?" tanong ng estudyante kong grade 1.

Yep! Joke's on me!

Wala akong choice kasi ito yung offer ng scholarship. Isa pa, wala pa rin akong pangarap hanggang tumanda ako. Ang cancer ko lang talaga sa lipunan!

"Teacher Love, nilayawan po ako ni CJ!"

"Teacher Love, nawawala po ang gunting ko."

"Teacher Love, masakit po ang kuko ko."

"Teacher Love, pimples ba yan?"

Tawang tawa ang mga kapatid ko sa kwento ko. Iniabot sakin ni Ate Hope ang shot glass na kapupuno nya lang.

"Ay, I love that kid!" si Faith

Instraight ko lang ng lagok at chineer pa nila ako. Mga lasing na agad. May nag-english na eh. Mga weak!

"Shet parang gusto ko na mag-shift ng course! Ang entertaining lang!" si Beauty

"Shh. Ang iingay." si Charm

Nandito kami sa kwarto naming lima. Friday night at nagkayayaan lang. Bigla lang natripan ni Faith dahil stress na stress na raw sya sa review nya para sa boards.

Hindi ko alam kung anong kakornihan ni Mama at ginawa kaming section sa klase. Hope, Love, Faith, Beauty, and Charm.

Ate Hope is the eldest. Alam siguro ng mga OG neighbors ang dahilan ng pangalan nya. Hope dahil pag-asa. Anak nila mama at papa sa pagkadalaga. Hope dahil tinanggap ulit sina Mama nina lolo at lola nang makita sya.

Kung gaano ka-meaningful ang pangalan ni ate, ganoon naman kapilit yung sakin. Love? Dahil lang sa ipinanganak ako noong Valentines Day. Yep!

Sumunod sa akin ay si Faith. Wala nang magawa si mama kundi mag go with the flow na lang daw. Alangan naman daw na Hope at Love ang pangalan ng mga nauna tapos sakanya Lilibeth? So ayun.

Hindi pa napapagod si mama magbuntis at umanak kaya nagkaroon na naman ng kasunod, at kambal pa! Sina Beauty at Charm. Medyo lumayo tayo ng konti pero sabi ni Mama alangan naman daw ipangalan nya ay Integrity and Prosperity. Baka daw maghinanakit naman sa kanya paglaki. Silang dalawa na lang ang nag-aaral saming lima.

So ayun. Lima kaming lahat. Masaya naman. Wala namang epal pero minsan may kj.

"Cheers muna tayo para sa pimples ni Love!"

"Cheers!"

GENRE: COMEDY, ROMANCE, SLICE OF LIFE 📝

Love, Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon