Chapter 8

13 1 0
                                    

Chapter 8

"So, anong ganap mo today? Don't tell me kumain ka lang talaga dito kasi hindi ka marunong magluto?" usisa ko

Kalalabas lang naming dalawa sa Pepper Lunch. Wala kaming napag usapang magjojoin force kami ngayon pero bumubuntot ako sa kanya. Inassume ko na lang na hindi ako abala sa kanya. Kaysa magtanong pa ako baka madisappoint lang ako di ba? Life hacks!

Binagalan niya nang konti ang paglakad hanggang sa magkasabay na kami. It's an approval right? Hindi ko alam kung saan siya pupunta basta sinasabayan ko lang sya. Kahit pa siguro sa kural ng baboy siya patungo, sasamahan ko sya hanggang sa mairita na siya sa akin.

Naglalalakad lang naman kami pero bakit ganito? Sa totoo lang, akala ko masarap sa feeling. Yun bang may kasama kang gwapo habang gumagala. Akala ko cute, nakaka-intimidate pala. Parang hindi bagay na magkatabi kami ngayon.

Akala ko nga maganda na ako eh. Naging muse naman ako nung nag-aaral pa ako. Pero ngayong kasama ko sya mukha akong julalay.

Ito akong kuntodo porma samantalang simpleng white shirt at black shorts lang ang suot nya pero mas fresh pa siya sa buko juice.

Kitang kita ko naman ang mga pasimpleng kurutan at hampasan ang mga nakakasalubong namin. Bata o matanda man, namamangha sa kanya. Dinaig niya pa si Ate Vi sa pagiging Star for All Seasons.

Tinignan ko sya. Diretso lang syang nakatingin sa dinadaanan habang nakapamulsa. Relax na relax lang at hindi namamalayan ang dulot.

"Kaya ko magluto." sagot niya

"So bored ka lang? Hope all!"

"You and your language."

Tumingin sya sakin saglit at humalakhak.

"Updated talaga ako. Ikaw ba naman ang palibutan ng mga tyanak everyday."

Pati mga usong kanta, pranks, at mga challenges, alam ko yan. Medyo nag-loading pa nga ako nung isang araw dun sa the floor is lava kemerut ng mga bata. New and improved na langit-lupa lang naman pala.

"I heard you're a teacher..."

Lumiko sya so lumiko din ako.

"So?"

"Why do I have this feeling na mas sakit ka pa sa ulo kaysa sa mga bata?"

Tumawa sya. Hinampas ko sya sa braso kasi ang sama naman ng tingin nya sakin. Ganun ba talaga ang impression na naibibigay ko?

Lumiko na naman sya kaya lumiko rin ako. Pumasok kami sa supermarket. Okay, so ito siguro ang ganap nya.

"So are you telling me na instalk mo ko?" I jokingly accuse him

Tinaasan nya lang ako ng isang kilay habang nakangiti. Kumuha sya ng malaking push cart at nagsimula nang itulak ito. Binitin lang ako sa ere at hindi man lang ako binigyan ng sagot.

"I'll take that as a yes." sabi ko

Clearly, hindi naman talaga ako naniniwala. Aba kahit pa naman type ko siya hindi naman ako basta-basta magpapa-uto. Alam ko naman ang mga tipo nya, mga pa-tease at pa-fall. Hindi sila magsasalita para wala silang panghahawakan. At kapag nagkanda letse-letse na, abswelto sya dahil ang mga umasa lang naman ang gumagawa ng ilusyon sa sarili nilang mga utak.

Akala nya siguro hindi ko alam yun dahil probinsyana lang ako. Well, probinsyana man, high tech kami.

Ang laki ng ngisi kong humabol sakanya dahil napapag-iwanan ako. Medyo nakaka-excite. Curious ako kung ano ba ang mga pinamimili nitong si Jago.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love, Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon