Chapter 5

20 1 1
                                    

Chapter 5

"Teacher Love..." malambing na bati ng mga bata

"Bakit may kutong lupa dito?" tanong ko

Ngiting ngiti naman ang mga bata. Sila yung mga dating estudyante ko na Grade 7 na ngayon. Sanay na sanay na makipag-bardagulan dahil adviser nila ako noong Grade 5. Active pa nga rin ang gc namin na puro kabulastugan.

"Miss you po!"

"Di ko kayo miss. Guard palabasin nga to."

In-indian lang nila ang biro ko at patakbong niyakap lang nila ako. Kinuha ang dala-dala kong laptop at sinabayan ako sa paglalakad.

Sweet din naman ang mga hakdog.

"Cutting kayo? Tago kayo sa room ko." biro ko

"Cher pwede?"

Kumapit pa sa braso ko at hopyang hopya ang hitsura. Kukurutin ko sana pero nakailag.

"Bakit naman kayo naligaw dito sa Elem? Daming time ah!" usisa ko

"Vacant lang po. Nga pala cher, share ko lang, may ka-text na si Tetay!"

Nanlaki naman ang mata ni Tetay at hindi makapaniwalang nilaglag sya. Pulang pula ang buong mukha niya sa hiya.

"Bebang?! I hate you!"

Ay dagok ang abot.

Buti pa mga ang mga bagets na to. Ako? Wit naman mga happenings.

Deadma ang ganda ko.

Hiningi nga ng isa dyan ang number ko, hindi naman nagpaparamdam. Dalawang linggo na akong naghihintay sa wala! Para akong tinapay na nakalimutan nang kainin. In short, inamag na!

Pinaasa lang ako ng walanghiya? Wala pa ngang nasisimulan na-ghost na agad ako! Gaano kabrutal ang mundo?

"Ay, may papalit na talaga sa pwesto ng principal!" si Tracy

Naabutan nya kasi ako ngayon sa Faculty Room na nagta-type na naman sa laptop.

Natahimik tuloy bigla ang paligid. Napasulyap ako kay Naughty. Ang sama ng tingin saming dalawa. Hindi talaga to marunong maki-ride sa jokes. Kaya nalalagasan ng hair, eh!

"Naku, kung ako talaga sa kanila, na-promote na kita! Fresh ang mga ideas at thechie pa! Marunong pa magkabit ng HDMI at VGA!"

Tuloy pa talaga ang laban ni bakla. Pinanlakihan ko tuloy sya ng mata. Para tuloy akong nanay na nagtitimpi sa anak sa harap ng maraming tao. Pero hindi naman sya na-threaten sa ginawa ko kundi tumawa lang sya nang malakas.

Juice colored. Kung buntis lang siguro ako naagasan na ako! I accept defeat opo.

Wala akong laban sa bunganga nito. Wala akong choice kundi tumigil muna. Sinave ko na lang muna ang ginagawa ko at pinatay ang laptop. Ang walanghiyang ito!

"Tara na nga muna sa canteen." yaya ko

"Ay, bet! Miss ko na ang bj."

Pinwersa ko ang hila sa kanya. Halata namang nasaktan sya pero natawa lang. Pa-isa naman! Gustong gusto ko syang sakalin.

Umorder lang ako ng kape. Lakas ko na talaga maka-tita. Samantalang sya naman ay naka buko juice gaya ng sabi nya.

"Cyzt, sightsung mo ang emoticons ni Naughty?" tanong niya

Ang gaga sarap butasan ng matres.

"Hoy user ka! Idinamay mo pa ako."

Tumawa lang sya sa sinabi ko. Ginamit pa ako. Lagi kasi syang pinaparinggan nun sa group chat namin. Ito namang gaga sa personal ang bira.

Love, Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon