Chapter 4

27 1 0
                                    

Chapter 4

"Hello ma,"

May ngiti pa rin sya sa labi pagkasagot ng tawag. He mouthed "excuse me" bago umalis.

So what now?

Wala pa rin ako mapanood so clinick ko yung Preview. Wow ha? Wala ka pang balak umuwi atche?

Iginala ko ang mga mata ko sa bahay. Malawak naman at maganda pero parang malungkot.

Para kasing kulang ng Wedding Picture namin. Hihi.

The colors are white, brown and tan. Overlooking ang garden nila sa likod ng bahay dahil glass wall. May swimming pool naman sa gilid. Halata namang inaayos nya ngayon yung garden dahil nakakalat pa yung ibang materials.

Mag-isa lang ba sya dito? Nasaan kaya mga parents nya? Atsaka, may girlfriend ba sya? Asawa? Baka may biglang sumampal sakin dito ah?

Lumapit ako sa isang side kung nasaan may mga picture frames.

Yung pinakamalaki sa gitna ay family picture pero mukhang high school pa sya dun dahil mukha pa syang virgin.

Maganda at sopistikada ang mama nya. Nakalugay lang ang buhok at hindi mukhang istrikta. Mukhang masiyahin at nangi-spoil.

Yung papa naman nya, ang gwapo kaso mukhang seryoso. Mukhang mahirap patawanin sa kahit anong joke. Parang sisinturunin ka kapag nakakuha ka ng 95 pababa sa card. Mga ganung level ang vibe nya.

Si Jago, kamukha niya ang papa nya. Yung pagiging light naman ng aura nya sa mommy nya. Nakuha nya kasi ang mata nito.

Meron syang dalawang kapatid.

Yung lalaki ay mukhang mas matanda sa kanya. Yung babae naman ay mukhang pinakabata. Mukhang mga siga. Mana sa papa nila. Sya lang talaga ang may minana sa mama nya sa aura. Pero malay naman natin. Sa picture ko pa lang naman nakikita.

Yung mga nasa gilid na picture ay random lang. Mga travel photos at puro bagets pa sila dun.

"Mas gwapo ako kay kuya no?"

Napahawak ako sa puso. Buti wala akong heart problem or what! Bigla na lang pasulpot sulpot!

"Ganda ng mama mo."

"Aw, layo ng sagot." he chuckled

Alam mo bang gwapong-gwapo ako sayo to the point na gusto kitang laplapin?

Yun sana sasabihin ko kaso I think it's too soon. Gising pa ang mga bata.

"Nasaan parents mo?" tanong ko

Gwapong sumandal naman sya sa wall. Grabe. Yun lang ang ginawa nya pero kakaiba ang dating. He crossed his arms.

"Manila..."

Naimagine ko naman bigla ang parents nya. Naka-formal attire at pinagtitinginan sa party ng mga alta.

Kaka-teleserye yan ni Mama!

"Mga kapatid mo?"

"Si kuya sa Manila rin with his family. Si bunso nasa New York with her girlfriend. Ako nasa province with no one. Pwede ka ba?"

Tinaasan ko sya ng kilay. Sinasabi ko na nga ba may tinatago rin tong kalandian. Wait lang talaga, direk!

"What do you think?" I asked

I smiled playfully. Natigilan kasi sya pero agad namang nakabawi. Umangat saglit ang likod niya sa pader pero sumandal ulit.

Di mapakali ah? Kala mo ah?!

Love, Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon