Chapter 6

17 1 0
                                    

Chapter 6

Naglalakad na ako papasok sa kanto.

The chismosa in me is crying. Hindi lang iyak, nagwawala pa!

Ang dami kong gustong itanong sa daddy ni Santino pero hindi ko magawa. Una kasi hindi naman kami close. Pangalawa masyadong unprofessional. Pangatlo may hiya pa naman ako sa katawan.

Ang tanging magagawa ko na lang ay ang maghimutok dito habang pinapapak na ng lamok. My goodness!

Pero kasi, common ba ang name or nickname na Jago? Iisa ba ang Jago na tinutukoy namin? If so, magkaano-ano sila? Family? Friend? Ang liit naman ng mundo.

And most importantly, paasa ba talaga sya?

Ugh! Kung hindi ko lang talaga nalaman na hiningi nya ang number ko edi sana naka-move on na ako!

Nasa labas pa lang ako ng bahay ay rinig na rinig ko na ang ingay sa loob. Parang may kung anong humigop ng lakas ko dahil sa mga boses nila. Nakaka-drain naman.

Pagbukas ko ng pintuan ay naabutan ko na silang nagkukumpulan. Alam na alam ko na yang ganyang set-up.

Bigla na lang akong nahiya sa sarili ko. Walang drain-drain! Mas pagod si Papa.

"Ayan na si Labs." si Mama

Hawak-hawak nya ang cellphone niya at itinapat ito sa gawi ko. Kitang kita ko naman ang tatay ko sa screen. Tama ang hula ko at nagvivideo call nga sila ni Papa.

"Hi Pa! Ang gwapo naman talaga!" bati ko

Ipinaubaya naman sa akin ni Mama ang paghawak ng cellphone niya.

"Aba! Kumusta na ang pinakamaganda kong anak?"

"Pa akala ko ako?!" tanong ng mga kapatid ko

Tawang tawa naman si Papa kahit na ilang beses nang naulit ang scenario na yun. Wala syang choice kasi korni mga anak nya.

"Ayos lang pa. Sya nga pala, pwede na ba akong mag-boyfriend?" pabiro kong tanong

Tumawa naman si Papa samantalang umirap lang ang mga kapatid ko. Si Mama naman suminghal agad.

"Anong boyfriend? Pwede naman kung mabait, wag lang mukhang manyakis." si Mama

Ang bitter talaga nito palibhasa naka-LDR. Damay-damay na ba to, ma? Dapat pati kami tigang? Atsaka nagjojoke lang naman ako, ah. Napaka-high blood agad.

"Bakit? May nanliligaw na ba sayo?" biro ni Papa

"Wala pa. Pa-advance lang. Futuristic ako eh." sagot ko

"Hay naku! Tama na nga yan! Akin na yang silpon ko." si Mama

Inagaw na sa akin ang cellphone nya. Si Mama talaga attitude.

"Love you, pa! Si Mama masyadong clingy! Uwi ka na raw!" biro ko

Tawang tawa naman ako dahil asar na asar ang mukha ni Mama.

Umalis na ako doon at pumasok na sa kwarto naming magkakapatid. Agad akong naghanap ng maisusuot na pantulog. Hindi ko sure kung maliligo pa ako dahil ibang level ang pagod ko ngayon.

Lalabas na sana ako para maghinaw-hinaw man lang ng katawan sa banyo bago magbihis nang biglang pumasok si Faith, na mukhang kating kating mang-intriga ang hitsura.

"Hi, Ate! Ibang carrou yun, ah. Sinetch itey? Ako lang naman nakakita don't worry!" kilig na kilig nyang tanong

"Cctv ka ghorl?"

Grabe naman kasi. Ang wifi ni bakla ang layo ng sagap. Sa kanto pa yun ah!

"Hindi naman. Bumili lang akong napkin sa tindahan. Sino yun? Gwapo! Bago na agad? Teach me master!"

Love, Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon