Chapter 2
Bigat ng ulo ko.
Sino ba kasing nag imbento ng alak na yan?! Hindi na ako iinom nyan. Masama yan. Lason lang yan sa katawan.
7:50 AM na syet! Late na ako sa klase kong 7:30 AM. Lalo pa akong nagtatagal dahil hindi pa ma-read ang finger print ko. Tunay kang nakakapangatal.
Ugh, what the frick! Wala talagang mabuting maidudulot ang alak!
Naglakad na ako nang mabilis dahil nakakahiya namang tumakbo. May mga parents pa kasi na kahahatid lang sa mga anak nila.
Daig ko pa ang kandidato sa sobrang smile ko kahit alam ko namang pagchihismisan lang ako ng mga yan. Aware naman silang late na ako. Mamaya niyan nasa group chat na ako. Daig pa ang cctv.
Sa malayo naman ay ang sama ng tingin sa akin ni Naughty Girl. Hindi rin nakatakas sakin ang pagiging ube halaya nya today. I love our fashionista girl naman talaga. Sorry naman at hindi ko naabutan ang pa-morning prayer nya sa Faculty Room. Parang wala namang bisa dahil sa sama ng ugali nya.
Oops! Kayo na nga pala ang bahalang humusga.
Pucha naman, ako lang talaga ang late.
Halatang halata sa labas kung gaano kagulo ang klase ko. Kitang kita ko naman ang struggle ng president ng klase sa pagpapatahimik. Buti nga at nasa loob na sila eh. Siguro pinapasok ni Viv.
Nang makita ako, tumakbo papalapit sa akin ang president at inagaw sa akin ang mga dala ko. Puro sumbong rin sya na wala naman akong maintindihan. Hindi naman sila magkanda ugaga sa pag lipat sa kani-kanilang mga upuan nang makita akong papalapit na.
Tumayo sila nang tuwid at binati ako.
"Si Teacher late."
Tatawa-tawa naman ang mga chamita. Inutusan ko na silang gawin ang morning routine nila na paimbento ko lang. Morning prayer and exercises.
Aligagang aligaga naman ako dito sa likod. Hindi ko alam ang uunahin ko. My gosh!
"Teacher ayaw pong sumunod ni Troy!"
"Troy..." warning ko
Pinanlakihan ko lang ng mata ang mga bata. Sumunod naman sa steps ng exercise ang isinusumbong. Kaimbyerna, kailangan pa talaga parating special mention bago tumino.
Wag ngayon ha. Ang sakit talaga ng ulo ko. Wala pa akong masyadong marecall sa nangyari kagabi. Wasted nga yata talaga ako. Ano bang mayroon at sobrang saya ko naman yata? May gwapo siguro at nagpabibo ako. Yun lang talaga ang tanging naiisip ko.
Uminom ako ng tubig at chinarge ang cellphone kong namatay. Kingina napalaban talaga ako kagabi, ah. Parang walang pasok kinabukasan!
Natapos na ang morning routine ng mga bata ko kaya nag-iingay na sila. Agad naman tumayo ang secretary ng klase sa unahan. Natrain ko na yan.
"Quiet!"
Nairaos ko naman ang klase ko sa umaga. Buti na lang mga higher grade level ang pang-umaga ko kaya hindi gaanong sinusuway.
"Kumustasa kamatis? Tayelz laps."
Ang laki ng ngisi ni Tracy sa may pintuan. Wallet lang ang dala nya dahil lunch break na. Gustong gusto ko syang tanungin tungkol sa nangyari kagabi pero pucha, ayaw ko namang aminin na wala akong maalala.
"Kiber lang. Gora."
Gusto kong sungalngalin sa esophagus ang babaeng to. Ang halay kasi ng pagkakangiti. Alam kong may meaning yun eh.
BINABASA MO ANG
Love, Love.
Humor(GENRE: ROMANCE, COMEDY, SLICE OF LIFE) Love - pwedeng abstract noun, pwede rin proper noun