Chapter 7

16 1 0
                                    

Chapter 7

Hindi ako pwedeng magkamali.

Oras lang naman ang itinagal ng "bonding" naming dalawa pero hindi ko yata sya kayang makalimutan simula ng araw na yon.

Siyang siya nga ang lalaking nasa tapat na restaurant. Yung pagka-isnabero ng mukha nya sa unang tingin pero kapag napatitig ka naman sa mga mata nya ay biglang gumagaan. Yung built ng katawan at postura niya, hindi ko pwedeng ipagkamalian yun. Si Hugh nga. Nakaupo sya sa high chair na nakaharap sa glass wall.

Bago ko pa sya mapansin kanina, naabutan kong nakatingin na siya sakin. Samantalang ngayon, struggle is real ang pagsulyap nya. Para bang bawal akong tingnan.

At bakit? Nahihiya ba sya sa pagpapa-asa nya? Aba, dapat matatag ang loob nya. Dapat inanticipate na nya na makakasalubong nya talaga ako anytime sa ayaw at sa gusto nya. Maliit lang ang lugar na to, no!

Napangiti ako sa sarili ko.

Well, asarin ko nga! Mukhang wala naman syang kasama kasi kumakain na sya.

Pinaghintay mo ako ah, maano man lang na pikunin ka ng konti. At saka malay ko naman kung kailan ko ba ulit sya makikita? Grab ko na tong opportunity na to.

Lumakad ako papunta sa kanya nang hindi binabali ang mga tingin ko. Kitang kita ko na nasulyapan nya ako pero supladong umiwas nang tingin, na para bang sinasabi nyang wala syang panahon sakin.

"Hi!" bati ko sakanya

Super smile ako sa kanya samantalang suplado niya lang akong binalingan.

Wow, ha? Laki ng kasalanan ko sayo, ha?

"Hey." bati nya na parang tamad na tamad

Umupo ako sa tabi nya at hindi pinansin ang walang kasustasustanya niyang bati. Napansin ko ang kinakain nya. Three kinds of meat, vegetables on the side, and mashed potatoes. No rice! Hindi ako mabubuhay ng walang rice.

Hindi na nya ginalaw ang pagkain nya. Tuluyan na rin nyang binitawan ang mga kubyertos na hawak nya at humarap sakin.

"Why? Kain ka lang! Don't mind me! Busog na ako." ang laki pa ng ngisi ko sa kanya.

Pano ba to maaasar?

"Why are you here? Hindi ka sinipot ng date mo?" supladong tanong nya

Napansin ko ang mga mata nya na gumalaw pataas-baba at pinasadahan ang suot ko. Napaismid pa at kulang na lang ay umusok ang ilong.

Wow, ha? Ang sungit naman nito. Pero nakakatawa yung mukha nya. Pikon na pikon! Pero kahit na ganun ay parang lalong gumwapo habang naiinis sakin. Ang unfair!

"Oo eh. Na-ghost ako. Hays." pagpaparinig ko sakanya

Sinulyapan ko ang reaksyon nya. Napangiti lang sya nang tipid at bumaling sakin.

"What? Ghosted ka? Must be karma." he said as a matter of fact

Kinuha nya ang drink nya at inirapan ako. Aba! Kanina pa to, ah! Nasaan na ba ang Jago na friendly pero korni? Totoo ba talaga yung moments namin sa bahay nya? O baka tama nga si Tracy na fever dreams ko lang yun?

"What do you mean? Maldita ka ah."

He smiled wickedly. Sa halip na mainis ay namangha pa.

"It's okay. No need to explain. I get it."

Hindi naman ako convinced dahil damang dama ko ang pait ng pagkakasabi nya. Kaso hindi ko naman maintindihan.

"Ano? Row four yata ako hindi ko ma-gets." napakamot pa ako sa ulo ko

Love, Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon