Chapter 1

48 1 0
                                    

Chapter 1

"Halina mga kumare. May bagong stock na raw. Palitan mo na yang sapatos mo oh. Order ka na sakin."

"Nag-iipon ako."

"Ito naman para namang others ka pa sakin. Pwede namang two-gives, mare! Ikaw pa ba?!"

"Pag-iisipan ko muna..."

"Ay, kung ayaw mo nyan, baka naman gusto ni bunso ng..."

Wala po ako sa divisoria. Nasa Faculty Room lang naman ako.

Yung mga yun, co-teachers ko lang yun. Wala yan, normal lang yan sa mga yan. Mababait yang mga yan. Sana nga lang ay huwag nila akong mapansin. Nakailang next time na kasi ako. Hindi pa rin makuhang hint na ayaw ko.

Nananahimik lang ako dito sa table ko, gumagawa ng mga paper works. Hindi naman talaga ako masipag kaso wala akong magawa. May klase kasi sina Viv at Tracy.

"Ano yan?"

Nakataas ang kilay ng principal namin na kadarating lang. Nag-rounds na naman yata. Anyway, ayoko syang bigyan ng adjectives. Kayo na ang bahalang humusga.

Green na green all over si bakla. Ultimo hikaw, shoes, at bag nya kakulay ng uniform namin today. Hindi ko alam kung nagco-cosplay ba sya as puno or what. Pusturang pustura naman sya na parang anytime handa syang humarap kapag dumating ang team ni Tulfo kasama ang DSWD.

Charot lang. Walang bayolente dito. It's a big no. Meron lang talagang chismosa at kj.

"Is that how you really spend your free time?"

Kayo na lang talaga ang humusga.

Natahimik na lang kami dito. Alam kong kumukulo na ang dugo ng mga yan. Ang chika, lumaki raw masyado ang ulo. Parang hindi sila magkakapantay dati.

"Eto na nga eh, ililigpit na nga eh." sarkastikong pagkakasabi ni Teacher Weng

Umalis na si principal at pumunta na sa office. Sambakol naman ang mukha ng mga ka-batch nya. Hindi makapagreklamo dahil maririnig pa rin sila sa loob.

Haru josko, ayokong maging ganyan pagtanda!

Tumunog na ang alarm ko. Ibig sabihin ay may klase na ako. Nagseset talaga ako dahil mahirap na at baka mapasarap masyado sa aircon dito.

Okay, tara na. Sabay-sabay tayong mabwiset sa mga tikbalang.

Feeling artista na naman ako sa tuwing naglalakad. Siguro mga thirty-seven na "good afternoon" ang natanggap ko bago pa ako makarating sa klase.

Sa malayo pa lang ay halatang halata mo na may event sa klase ko. May birthday celebration pala. Hindi na mahirap mahulaan yun dahil uso naman yun dito.

Pabonggahan talaga ng catering services ang mga momshies kapag birthday ng mga junakis nila. Pag hindi yata bongga, pag-uusapan sa GC. Pero syempre sa isip ko lang yun.

Anyway, tuwang tuwa naman ako dahil pakiramdam ko ay na-extend ang vacant ko. Gusto ko na ulit bumalik doon sa Faculty Room para maki-aircon. Wala naman akong pakialam sa drama ng mga thunders. Nakakatawa nga eh.

"Teacher Love!" tawag sakin ni Teacher Olivia

Kung may mga thunders, meron din namang mga bata like us. Mas fresh pa sa buko juice.

Sinenyasan nya ako na lumapit. Pa-demure naman akong naglakad. Aaminin ko, kahit gusto ko ng aircon, gusto ko rin naman kumain.

"Klase mo raw dito ngayon sabi ng mga bata. Kain ka!" alok nya

Nilapitan ko sya at binulungan.

"Solong solo ah? Selfish ka ghorl?!"

Kinurot naman nya ako.

Love, Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon