One

10 2 0
                                    

Nakaupo lamang si Jessica sa isang bench ng Student's Garden habang nagsusulat sa kanyang notebook. Nakasanayan na niya kasi na dito tumambay tuwing lunch break dahil kakaunti lamang ang tao roon kapag ganitong oras, dahil kadalasan ay nasa Canteen ang mga estudyante. At ngayon nga ay mag isa lang siyang narito at dinadama niya ang tahimik na lugar.

Tahimik niyang kinuha ang bag para kunin ang kanyang earphone. Plano niya kasing makinig ng musika habang nagsusulat siya ng tula para mas ma-relax ang utak niya. Akmang isusuot na niya ang kanyang earphone sa kanang tenga ng may mahagip siya sa gilid ng kanyang mata.

Isang lalaking nakasuot rin ng kanilang uniporme. Saglit na tinapunan niya ito ng tingin para makasigurado na may kasama nga siya sa lugar. Maputi ito, makisig, singkit, matangos ang ilong, at tayo tayo ang itim na buhok. Nang lumingon ito sa kanya ay agad naman niyang binawi ang tingin dito. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat kahit pa hindi siya komportable sa presensya ng lalaki. Napahinto siya sa pagsusulat ng mapaisip.

"Paano nakapunta doon ang lalaking iyon ng hindi ko man lang nakikitang dumaan ito sa harapan ko?" bulong niya sa sarili. Muli niyang sinulyapan ang lalaki at agad naman niyang iniwas muli ang tingin ng makitang nakatingin pa rin ito sa kanya.

Nakapwesto kasi siya sa may bandang kaliwa sa gilid parteng gitna ng Student's Garden, samantalang ang lalaki naman ay nasa kanan sa gilid parteng likod. At sa pagkakatanda niya ay siya lamang ang naroon nung pagkapasok na pagkapasok niya sa arko ng Student's Garden.

Isinantabi na lamang niya ang nasa isip nang biglang tumunog ang bell hudyat na mag uumpisa na ang susunod na subject. Agad niyang kinuha ang notebook at ballpen at basta na lamang niya itong isinuksok sa bag niya. At nagmamadaling magtungo sa susunod na subject niya.

*****OoO*****

Nakahalumbaba si Jessica pagkaupong pagkaupo niya nang malamang wala pala silang klase sa susunod na subject dahil may sakit daw and professor sana nila ngayon.

"Hoy bakla! Ano namang drama yan? Hindi ka ba masaya na wala si Ma'am, walang klase!" mahinang tinapik siya ni Winslet sa balikat na siyang nagpasimangot sa kanya.

"Masaya" mahinang saad niya.

"E bakit ganyan ang hitsura mo?" takang tanong ng kaibigan sa kanya.

Nasa isip niya pa din kasi yung lalaking nakita niya sa Student's Garden kanina. Para bang may kakaiba kasi sa lalaking iyon na siyang bumabagabag sa kanya.

"E kasi.. kanina sa Student's Garden, may nakita akong l-" hindi natapos ang kanyang pagsasalita ng dugtungan nito ang kanyang sasabihin sana.

"White lady?! Naku, kwento nga ng iba na may nagpapakitang white lady sa Student's Garden! Bakit kasi doon ka pa tumambay?" medyo may kalakasang sabi nito.

"Gaga! Lalaki iyong nakita ko kanina!" inis na sabi niya sa kaibigan.

"E baka naman estudyante lang din. Ikaw lang ba ang pwedeng tumambay doon? Ay hindi, siguro crush mo yon no? Umamin ka nga. Pogi ba?" sunod sunod na tanong nito sa kanya.

"Baliw hindi. At oo, may itsura siya. Teka, nasaan nga pala sila Chin?" pag iiba niya ng tanong nang hindi na mag usisa pa si Winslet.

"Nasa Canteen pa. Si Greg naman nasa Student's Office, may aayusin lang daw siya." umupo na ito sa tabi niya at naging abala na sa paglalaro ng nauusong laro na Everwing.

Kaibigan niya si Winslet at kababata na rin. Kaklase niya kasi ito noong elementary siya at nagkila muli ngayong college na sila. Kaibigan niya rin sila Chin, Mara, at Vangie na nakilala niya ngayong college na siya na hanggang ngayong 3rd year na sila ay kaibigan niya pa din. At syempre ay si Greg na binanggit ni Winslet kanina. Presidente ito ng student's counsil, at suportado nila ang kaibigan.

Mabilis na natapos ang last subject nila kaya sabay sabay silang lumabas ng paaralan at naghiwahiwalay rin dahil magkakaiba sila ng daan pauwi.

Habang naglalakad sila ni Winslet patungong sakayan ay bigla na lamang nahagip ng mata niya iyong lalaking nakita niya sa Student's Garden. Nakayuko ito na animoy may hinihintay. Agad naman siyang napatingin kay Winslet ng tapikin nito ang balikat niya.

"Jessica, ano ba? Kanina ka pa tulala dyan. Hindi ka naman ata nakikinig e." inis na sabi ng kaibigan. Muli niyang sinulyapan ang lalaki pero wala na ito doon.

"Pasensya na, ano ulit yon?"

Nakauwi na siya ngunit hindi niya pa din mawaglit sa isipan ang imahe ng misteryosong lalaking nakita niya. May kakaiba talaga sa lalaki at para bang may nagtutulak sa kanya para alamin kung ano ba ito. Isang desisyon ang nabuo sa kanyang utak bago tuluyang lamunin ng antok.

Unsolved CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon