Seven

0 1 0
                                    

Pabaling baling ang ulo niya dahil kanina niya pa sinusubukang matulog ngunit hindi naman siya dinadalaw ng antok. Isang linggo na rin ang nakakaraan mula nung pagkakausap nila ni Ms. Vargas, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala wala sa utak niya ang mga sinabi nito. At isa pa iyong nakakatakot niyang panaginip ay mas lalo pang lumala. Sa isang linggong lumipas ay iniwasan na rin muna niyang tumambay sa Student's Garden para hindi makita si Ryan.

Ilang minutong pagtitig sa kisame, at pilit iwinawaglit sa isipan ang mga pinag usapan nila ng guro. Hindi niya kasi makalimutan ang mga sinabi nito.

"Teka, nasan ako?" tanong ni Jessica nang makitang nasa isang madilim na lugar siya. Ang natatandaan niya lang ay sinusubukan niyang matulog kanina, at pagkatapos ay nandito na siya.

"Paano ako napunta rito? Greg?! Chin?!" pagtawag niya sa mga kaibigan at baka narito din ang mga ito. Pero wala siyang nakuhang sagot. Maya-maya ay may narinig siyang mga mahihinang kaluskos, at sa hindi malamang dahilan ay nagtago siya sa isang madilim na sulok sa likod ng isang pader.

May nakita siyang isang lalaki. Matangkad ito at may hila hilang tao? Tinitigan niyang maigi para makasigurado na tao nga ito at hindi naman siya nagkamali. Dahil sa kurba nito ay hindi naman siya nahirapang alamin kung ano nga iyon kahit nasa medyo may kalayuan siya sa mga ito.

Basta na lamang nitong ibinagsak sa sahig ang hila hilang lalaki at nagtungo sa kung saan, bigla namang bumukas ang nag iisang ilaw sa naturang lugar kasabay ng pagbalik ng lalaki. Laking gulat niya ng malaman kung sino ito. Napatutop siya sa kanyang bibig at hindi sinasadyang nasagi ang vase na nakapatong pala sa gilid ng pinagtataguan niya.

Lumikha ito ng malaking ingay dahil tahimik ang lugar, na siyang kumuha ng atensyon ng lalaki. Matinding kaba naman ang naramdaman niya dahil nakita niyang palapit ito sa direksyon niya. Ayan na, malapit na. Ilang hakbang na lang.

Meow.

"Pusa lang pala. Gusto mo bang unahin na kitang pusa ka? Ha?" pagkatapos ay tumawa ito na parang demonyo. Bumalik na ito sa pinaglalagyan ng lalaki, at saglit na umupo. Pinakatitigan nito ang lalaki pagkatapos ay tumayo at kumuha ng sigarilyo sa bulsa. Sinindihan niya iyon at kinuha ang telepono, at lumabas.

Pagkakataon na niya. Titingnan niya kung sino ang lalaking biktima nito. Natatakot man ay gusto niyang malaman kung sino ang misteryosong lalaking nakahiga sa sahig. Dahan dahang hakbang, papunta dito.

Nang dalawang pares ng mga paa ang sumalubong sa kanya. Kinabahan siya ng matindi at pinagpawisan ng malamig. Dahan dahan. Itinaas niya ang kanyang ulo para makita ang taong tatapos sa buhay niya. Natulala siya at parang tumigil sa pagtibok ang puso niya panandalian.

"R-ryan."

"Tulong. Tulungan mo ko. Tulungan mo ko. Tulungan mo ko!" nagmamakaawang sabi nito sa kanya. Lumuluha ito ng dugo, basag ang bungo, at duguan ang mukha. "Tulungan mo koooo!!!!"

*****OoO*****

Hinihingal na napaupo si Jessica mula sa kanyang kama. Ayun nanaman ang panaginip niya. Ilang araw na kasi siyang ginugulo ng lalaki sa panaginip. Palagi itong nanghihingi ng tulong sa kanya. Hindi niya alam ang gagawin kaya hinayaan na lamang niya at baka magsawa na rin ito sa paghingi ng tulong sa kanya.

Naalala nanaman niya tuloy ang nagpag usapan nila ni Ms. Vargas.

***Flashback***

"So, how did you know RJ?" seryosong tanong ni Ms. Vargas sa kanya.

"RJ?"

"Ryan Jet, that's his whole name."

"Ryan Jet.. Una ko po siyang nakita sa Student's Garden noong nakaraang buwan. Mag-isa lang po siya at mukhang may hinihintay." buong tapat na sabi niya.

"Noong nakaraang buwan? Are you sure, iha?" seryosong sambit nito. Tumango naman siya bilang tugon.

"Nakausap ko pa nga po siya, at nagpakilala siya sakin bilang Ryan Salcedo, kaya ko nalaman ang pangalan niya." nakangiting sabi niya habang inaalala ang mga nangyari noong araw na iyon. Nagtaka naman siya ng makitang pumatak ang luha ng kanyang guro.

"Naku Ma'am, bakit po kayo umiiyak?" tarantang sabi ni Greg dahil naabutan niyang umiiyak ang guro. Nakabalik na pala ito. "Anong ginawa mo Jessica?"

"N-no. I'm fine. I'm just shocked of what you have said." nagpunas ito ng luha ngunit patuloy pa rin sa pagpatak ang mga ito.

"Sigurado po kayo?" paninigurado ni Jessica na may kahalong pag aalala. Tumango naman ang guro. At umupo naman si Greg sa tabi niya.

"Mabait na bata si RJ, mula bata siya kasama ko na siya sa buhay. Kapatid ko ang Mommy niya, and she passed away when RJ was 10 years old. Ganun din ang Daddy niya. Dahil sa isang car accident." lumunok muna si Ms. Vargas bago itinuloy ang pagkukwento. "Mula noon, ako na ang nag alaga sa kanya. Sila talaga ang tunay na may ari ng Jet University, na isinunod pa sa pangalan ng anak nila. Unico ijo, nag iisang anak."

"At ayon sa papeles na iniwan ng mga magulang niya ay makukuha niya ang lahat ng kayamanan na iniwan ng mga ito kapag nasa legal age na siya. Ang school, itong bahay na to, at ang mga naipong pera ng mga magulang niya sa bangko. Pero, p-pero..." muli nanaman itong umiyak but this time ay humahagulgol na ito.

"Pero dalawang taon nang nawawala si RJ, no one knows where he is. Even his girlfriend Sarah Madrigal ay nawawala din. Pinahanap namin siya sa mga pulis pero maski sila hindi nila nakita. Their conclusion was nagtanan yung dalawa, pero alam kong hindi magagawa yun ni RJ dahil legal naman silang dalawa ni Sarah sa amin at sa mga magulang ng kasintahan niya."

"Hanggang sa hindi na talaga nagpakita si RJ, may mga sabi sabi pa na baka patay na raw. Pero hindi! Hindi pa siya patay, babalik siya. Babalik siya at hindi pa siya patay!" humagulgol pa ito at hindi na nila nakausap.

***End of Flashback***

Dalawang taon nang nawawala si Ryan base sa kwento ni Ms. Vargas, at anong ibig sabihin ng mga panaginip niya? Nagpaparamdam ba ito sa kanya? Anong ibig sabihin ng mga nangyari noong mga nakaraang araw? Nakita niya ito, at hindi siya pwedeng magkamali. Nakausap niya pa, at sinungitan pa nga siya nito.

Napasabunot na lamang siya sa kanyang ulo at inis na nagtaklob ng unan sa mukha dahil sumasakit lang ang ulo niya sa kakaisip.

Unsolved CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon