Lunch break na kaya nagmamadali siyang nagtungo sa Student's Garden. May iilang nakatambay doon ngunit wala ang inaasahan niyang makita. Bagsak ang balikat na naupo siya sa paboritong pwesto at inilabas ang lunch box pagkatapos ay nag umpisa nang kumain.
Pasulyap sulyap siya sa arko at baka nakita niya doon ang hinahanap ngunit nag bell na't lahat lahat ay wala pa rin ito. Kaya tumayo na siya at nagpunta sa susunod na subject niya nang aksidenteng makasalubong niya si Greg na parang nagmamadali.
"Uy Greg, san punta mo? Bell na ah." sabi ni Jessica nang makitang ang kaibigan pala ang nabangga niya. Napangiti ito sa kanya at natanggal ang pagkakunot ng noo.
"Tamang tama Jessica, samahan mo ako sa office ni Ms. Vargas!" sabay hila sa kamay niya.
"Huy teka lang Greg, nag bell na, yari naman ako nito kay Professor Manalanta." tarantang sabi ni Jessica.
"Ano ka ba? May ari ng school na to si Ms. Vargas, mas mataas ang posisyon. Kaya kahit umabsent ka don ay lusot ka na. Ako nang bahala sayo." hindi na siya sumagot dahil tama nga naman ang kaibigan. Binitawan na rin siya nito at nakasunod na lang siya sa likuran ng binata.
Tok! Tok! Tok!
Kumatok muna si Greg sa pinto ng office bago binuksan ang pintuan. Sumalubong naman sa kanina ang Dean na abala sa pagsusula. Tsaka lamang nito napansin ang presensiya nila ng magsalita si Greg.
"Ma'am, eto na po si Jessica. Siya na lang po muna ang papalit kay Joyce, tutal naman po ay nasa bakasyon pa ito. At dalawang linggo pa mula ngayon ang balik nito." magalang na saad ni Greg. Kahit hindi naiintindihan ni Jessica ang usapan ng dalawa ay nanatili namang tikom ang bibig niya.
Halos manliit siya ng tingnan siya nito mula ulo hanggang paa, at bumalik ulit sa ulo kaya nagtama ang kanilang mga mata. Nakahinga naman sila ng maluwag ng pumayag na ito.
"Sige, halika rito." lumapit naman siya sa gilid ito. "Pirmahan mo dito, dito, at tsaka dito." tinuro turo pa nito ang mga dapat niyang pirmahan. "Aalis lang ako saglit, babalik ako around 4pm. At ako nang bahala sa next class na hindi niyo mapapasukan." iyon lang at tumalikod na ito at lumabas ng pinto.
Umupo na si Jessica sa table ni Ms. Vargas at tahimik na ginawa na lang ang pinapagawa nito. Habang si Greg naman ay nakaupo na sa table nito at nag aayos ng mga papeles.
Ilang oraas na pag upo at pag pirma sa mga papel na tila ba hindi maubos ubos ay ipinahinga niya muna ang kanyang kamay.
"Ganito ba ang ginagawa ninyo dito palagi? Ang sakit sa kamay. Nakakapagod." sabi ni Jessica kay Greg na ngayon ay hawak na ang cellphone at busy na sa kakatipa doon.
"Hindi naman parati, ngayon lang iyan dahil marami nanamang parating na events sa school. Tsaka ang iba dyan sa pinipirmahan mo ay tungkol sa mga taong nag invest ng malaking pera dito sa school." sinubukan niyang basahin ang nilalaman ng nasa unahang papel na hindi niya pa napipirmahan ay hindi na niya tinuloy. Ang lalalim kasi ng mga english na ginamit, at sumasakit lang ang ulo niya.
"Bibili lang ako ng meryenda natin sa canteen, dagdag energy hahaha!" tumango siya sa binata.
Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng office. Malaki ito, may ibat ibang tables na para sa mga officers ng school nila. Sa pinakadulo naman ay ang kinalalagyan ng table ni Ms. Vargas na siyang may ari ng school at kasalukuyang Dean. Malapit naman sa table nito ang table ni Greg na kaibigan niya.
Abala siya sa pag oobserba ng paligid, nang aksidente niyang makita ang larawan ng isang pamilyar na lalaki. Kanina pa siya nakaupo doon pero ngayon niya lang napansin ang picture frame sa lamesa ng kanilang Dean.
"Teka, si Ryan ba to?" bulong niya sa sarili ng makita at makilala ang mukha ng pamilyar na lalaki sa litrato.
"Si Ryan nga! Pero bakit may picture siya dito?" napahawak siya sa baba niya habang nag iisip. "Hmm.. di kaya.. anak siya ni Ms. Vargas?" tanong niya sa sarili. Pero imposible dahil mukhang bata pa ang nasabing guro. Nagulat naman siya ng biglang magbukas ang pinto at iniluwa nito si Greg.
Pumasok ito dala ang plastic na may dalawang burger at dalawang plastic na may lamang softdrinks. Pumunta ito sa kanya at inabot nito ang para sa kanya.
"Salamat." ngiti lamang ang sinagot ni Greg at dumiretso na ulit sa table niya.
Ilang minutong katahimikan hanggang sa basagin niya ito.
"Psst, Greg! May anak ba si Ms. Vargas?" muntik nang maibuga ng binata ang iniinom kaya umubo ubo pa ito at parang naluluha bago nakapagsalita.
"Walang kakayanang mag anak si Ms. Vargas." nagulat man siya ay hindi niya pinahalata bagkus ay nagtanong ulit.
"Ganun ba? E paano mo naman nalaman?" takang tanong niya.
"Sa araw araw ko na dito sa office, minsang nagpunta dito ang kasintahan ni Ma'am. Hindi ko naman intensyong mapakinggan ang mga pag uusapan nila, narinig ko lang na baog pala si Ms. Vargas, kaya yun." huminto ito at saglit na nag isip. "Teka, bakit mo nga pala natanong?"
"E kasi.. nakita ko itong picture frame sa table ni Ma'am. Nagtaka lang ako kung sino ito." hindi niya binanggit na ito yung nakita niyang lalaki doon noong isang araw.
Naputol naman ang usapan nila sa pagdating ni Ms. Vargas kasama ang isang lalaki. Baka ito ang sinasabi ni Greg na kasintahan nito. Umupo muna ang lalaki sa mahabang bench sa loob para sa mga bisita. Samantalang ang guro naman ay may kinuhang papel at may isinulat ito doon pagkatapos ay iniabot sa kanya.
"Iyan ang excuse letter niyo, pwede na kayong umalis." maikling sabi nito.
"Salamat po Ma'am Vargas." nakangiting tugon ni Greg sa guro sabay baling sa kanya.
"Jessica, tara na at malapit nang matapos ang last subject." tumango lamang siya sa babaeng guro at ngumiti naman sa lalaking kasama ng naturang guro. Nag iwas naman siya ng tingin dahil nailang siya sa paraan ng pagtingin ng lalaki sa kanya.
Sabay na pumasok ng kanilang silid sila Jessica at Greg. Sakto naman namamaalam na ang guro kaya naman dali daling hinabol ni Greg si Mr. Manalanta para ibigay dito ang excuse letter. Kinuha lamang nito at naglakad na paalis.
![](https://img.wattpad.com/cover/223999310-288-k842929.jpg)
BINABASA MO ANG
Unsolved Case
Mystery / ThrillerIsa lang naman akong normal na estudyante. Hindi ko alam na dahil sa aking kuryosidad ay muling mabubuksan ang isang kaso na matagal na atang kinalimutan ng batas.